• Home
  • Fresh Scoops
  • Bilang nagbabalik Primetime Bida ang karakter na si Santino ng seryeng ‘May Bukas Pa’, binalikan ng gumanap na si Zaijian Jaranilla ang isang interview niya noong 2009.

PANOORIN: ‘May Bukas Pa’ actor Zaijian Jaranilla, sa ‘Same Interview, Ten Years Apart’

Bilang nagbabalik Primetime Bida ang karakter na si Santino ng seryeng ‘May Bukas Pa’, binalikan ng gumanap na si Zaijian Jaranilla ang isang interview niya noong 2009.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/20/2020 09:02 AM
PANOORIN: ‘May Bukas Pa’ actor Zaijian Jaranilla, sa ‘Same Interview, Ten Years Apart’

Dahil sa pansamantalang pagtigil ng shooting o taping ng mga serye ng ABS-CBN, nagbabalik sa Primetime Bida ngayon ang minahal na teleseryeng ay May Bukas Pa. Sa isang exclusive interview kay Zaijian Jaranilla; ang orihinal na gumanap na Santino, muli niyang sinagot ang mga parehong tanong mula sa kaniyang interview noong 2009 para sa naturang serye.

Sa pagsabak ni Zaijian sa 'Same Interview, Ten Years Apart' challenge, isa-isang sinagot ng aktor ang mga parehong tanong sa interview ni Boy Abunda sa kaniya, sa isang episode ng showbiz news show na SNN (Showbiz News Ngayon), mahigit sampung taon nang nakararaan.

Panoorin ang mga naging sagot niya dito:


Taong 2009 nang ipinalabas sa Kapamilya Network ang May Bukas Pa, kung saan ay nasa kaniyang pitong taong gulang pa lang si Zaijian. Kasama ni Zaijian sa mga gumanap sa naturang serye sina  Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maja Salvador, Rayver Cruz, Dominic Ochoa, Desiree del Valle, Precious Lara Quigaman, Lito Pimentel, at Jaime Fabregas.

Sa ngayon, mapapanood muli ang teleserye sa Primetime Bida kapalit ang FPJ's Ang Probinsyano. Bukod sa May Bukas Pa, muli ding mapapanood ang 100 Days To Heaven, On The Wings of Love, at ang digital series na I Am U.