• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala ni Nora Aunor ang panahong naging malapit siya kay Lolit Solis.

Nora Aunor bumwelta kay Lolit Solis; Christopher de Leon ipinagdadasal ang paggaling sa COVID-19

Inalala ni Nora Aunor ang panahong naging malapit siya kay Lolit Solis.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/20/2020 10:40 PM
Nora Aunor bumwelta kay Lolit Solis; Christopher de Leon ipinagdadasal ang paggaling sa COVID-19

Punumpuno ng respeto ang mensaheng ipinadala sa PUSH ni Superstar Nora Aunor sa pamamagitan ng malapit niyang kaibigan sa press na si Rodel Fernando nang hingin namin ang reaksyon niya sa pabirong post ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account kamakailan.

Matatandaan na nag-post ang talent manager ni Christopher de Leon nang aminin ng aktor na positibo ito sa COVID-19 sa kanyang Instagram account ng pabirong linya involving the name of the superstar.

Bahagi ng post ni Manay Lolit, “Biro ko nga, kung si Nora Aunor nalagpasan mo at kinaya si corona virus pa hindi naman siya superstar. Joke joke. Basta alam ko kakayanin ito ni Christopher with flying colors.”


Si Nora ay dating asawa niChristopher de Leon bago ikinasal ang huli kay Sandy Andolong.

Ito naman ang naging reaksyon niNora sa post ni Lolit:

“Ang masasabi ko lang ay alam ko na may pinagsamahan kami ni Lolit Solis noong araw lalo na noong nakatira pa ako sa Valencia. Isa siya sa mga taong naging malapit sa puso ko at pinagkatiwalaan noong araw.

“Sabagay, matagal na nga naman yon...Valencia days pa. Maaaring hindi na naaalala ni Lolit Solis yon.

“Pero bakit yong ibang naging kaibigan ko noon sa press na nabubuhay pa hanggang ngayon na naging malapit sa akin hindi nakakalimot kung anong pinagsamahan namin noong araw? Baka di na nya maalala.

“Marami pa akong dapat ikuwento tungkol sa napakagandang naging samahan namin ni Lolit Solis pero hayaan nalang natin siya. Nakakalungkot lang isipin na si Lolit Solis pa na mula noon hanggang ngayon ay hindi nawala ang RESPETO ko,” pahayag ng superstar.

Iginiit din ni Nora na minahal niya si Lolit katulad ng ibang reporters na malapit sa kanya.

Ani Guy, “Minahal ko siya tulad ng iba pang mga reporters na naging malapit sa akin noong araw hanggang ngayon. Minahal ko ang isang Lolit Solis bilang isang tunay na kaibigan.

“Para kay Lolit Solis... Ano nga bang tawag ko sa iyo noon? Lolit, ate Lolit, Bok o kung ano man... Kung nakalimutan mo na ang mga pinagsamahan natin noong araw, ako hindi. Kailanman hindi ko ito maaaring kalimutan.”

Hindi rin daw nawawala ang respeto niya sa talent manager ni Boyet.

“Hindi nawawala ang respeto ko sa iyo hanggang ngayon bilang isang naging totoo kong kaibigan.

“Ipapanalangin ko pa rin sa TAAS nasana ay maging ligtas ka sa araw araw. Patuloy ka nawang ingatan ng ating PANGINOON sa lahat ng mga ginagawa mong patuloy na pagtulong hindi lamang sa iyong sariling pamilya kundi sa mga artistang minamanage mo.

“Subaybayan ka nawa lagi sa mga ginagawa mong pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahong ito,” lahad pa niya.

Ipinagdarasal din ng award-winning actress ang mabilis na paggaling ni Boyet sa COVID-19.

“Hangad ko rin ang paggaling ng alaga mong si Papa Boyet. PRAYERS para sa kanyang kaligtasan, ganoon din sa iyo dahil mahal ko kayo at siyempre sa kaligtasan ng lahat ngayong may krisis tayong pinagdadaanan .Please keep safe po,” huling pahayag ni Nora Aunor sa PUSH.