YouTube star Mimiyuuuh, ayaw pasukin ang showbiz

Feeling blessed si Mimiyuuuh sa mga offers na dumarating sa kaniya ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/2/2020 5:24 PM
YouTube star Mimiyuuuh, ayaw pasukin ang showbiz


Isa ang social media personality na si Mimiyuuuh sa mga pinaka kilala at most followed sa YouTube dahil sa kaniyang mga nakatutuwang vlogs.

Kaya naman kabi-kabila rin ang kaniyang mga proyekto bilang product endorser at social media influencer.

Pero ayon kay Mimiyuuuh, sa kabila ng kaniyang kasikatan sa social media, hindi muna raw siya interasado na pasukin ang pag-aartista.

“Hind naman po, kung ano po ang binigay sa akin kinukuha ko po, pero po, medyo (naiilang po ako sa TV) hindi po ako masyado komportable kasi parang happy na po talaga ako kung ano ang meron ako ngayon, like YouTube, Facebook and Instagram, ganun po,” tugon ni Mimiyuuuh sa panayam ng PUSH sa opening ng Shinagawa Lasik and Aesthetics Center sa Bonifacio Global City.

Aminado rin ang YouTube star na pinipili niya ang offers na lumalapit sa kaniya.

“Ay okay po ako with TV guesting, actually marami po ang nag-iinvite sa akin for TV guesting, kaso sa schedule po, may conflict lang po talaga,” paliwanag pa niya.

Nagsimula man sa pagiging YouTube star, masaya si Mimiyuuuh na nakakabonding niya ang big celebrities ngayon tulad na lang ni Vice Ganda.

“Yes, dati pa lang po noong first year college po ako, nakapag design na po ako ng damit kay meme Vice [Ganda] po sa GGV (Gandang Gabi Vice) po, ay ayun happy naman po siya. Siyemre sobrang happy ko rin po noon kasi dream ko talaga na maging fashion designer ganun, tapos si Vice Ganda pa.”

Sa ngayon, patuloy sa pag gawa ng mga nakakatuwang vlogs si Mimiyuuuh kasama ang ilang sikat na personalidad.