• Home
  • Fresh Scoops
  • Bahagi ang naglakihang bituin sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.

Alamin ang mga pelikulang bahagi ng first Metro Manila Summer Film Festival

Bahagi ang naglakihang bituin sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/02/2020 05:30 PM
Alamin ang mga pelikulang bahagi ng first Metro Manila Summer Film Festival

Karagdagang init ngayong summer ang hatid ng walong pelikulang kalahok sa unang edisyon ng Metro Manila Summer Film Festival.

Nitong Lunes, March 2, pormal nang ipinakilala ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang walong pelikula na magiging bahagi ng unang summer film festival.

Kabilang dito ang mga sumusunod:


Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan nina Philip Salvador at Nora Aunor sa direksyon ni Joel Lamangan.

A Hard Day na pinangungunahan ni Dingdong Dantes sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Love Or Money ni Coco Martin at Angelica Panganiban sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Love The Way U Lie nina Alex Gonzaga at Xian Lim sa direksyon ni RC Delos Reyes.

Tagpuan nina Alfred Vargas, Iza Calzado, at Shaina Magdayao sa direksyon ni McArthur Alejandre.

The Missing nina Joseph Marco at Ritz Azul sa direksyon ni Easy Ferrer.

Ngayon Kaya nina Paulo Avelino, John James Uy, Alwyn Uytingco, Janine Gutierrez, Rio Locsin, at Donna Cariaga sa direksyon ni Prime Cruz.

Coming Home nina Jinggoy Estrada, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Sylvia Sanchez, Ariella Arida, Shaira Diaz, at Samantha Lopez sa direksyon ni Adolf Alix Jr.