• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel, lumikha ng kanta dahil sa pinagdadaanan ng bansa ngayon dahil sa COVID-19

Marlo Mortel, lumikha ng kanta dahil sa pinagdadaanan ng bansa ngayon dahil sa COVID-19

Gumawa ng kanta si Marlo Mortel tungkol sa pag-asa at pagkakaisa sa panahon ng coronavirus crisis.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/19/2020 1:27 PM
Marlo Mortel, lumikha ng kanta dahil sa pinagdadaanan ng bansa ngayon dahil sa COVID-19


Photo Credit: Marlo Mortel on Instagram & Facebook

Sa gitna ng pinagdadaanang krisis ng bansa ngayon dahil sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 ay nakalikha ng kanta ang singer/actor na si Marlo Mortel.
 
“A simple song about Hope & Unity won’t hurt. Thanks to those who helped me spread this message. It’s only been a day since I uploaded the song and it already got a lot of inspiring feedback, most of you say this is what we need right now.
 
“But not only now, I believe that every day we should build a stronger foundation with Him, ourselves & other people to help us get through every hardship, cause we can. Just gotta have FAITH,” pahayag ni Marlo sa kanyang Facebook account.
 
Ang title ng song na ginawa ni Marlo ay “Korona.
 
“This song is called KORONA. In times like these, know who the real KING is!


 
“Couldn’t sleep well with what we’re facing & I came up with this. Unite, Pray, and See what our real problem is. Spread Facts, not Fake News.”

Mapapanood ang pagkanta ni Marlo ng kanyang komposisyon sa link na ito:

KORONA

I:
Sa anumang hamon wag susuko,
Kapag bumitiw, ikaw ang talo.
Madaya man ang kapalaran,
Lakasan ang loob ika’y lumaban.

Laging isiping may gumagabay parati.
Kilalanin kung sino ang ating Hari.

Chorus:
Kumapit ka lang, ang buhay ay mapaglaro.
Paulit-ulit man na mabigo,
Tumingala lang at tumayo.
Pilit piliing magkaisa,
‘Wag mawawalan ng pag-asa.
Kumapit ka lang, kapit lang.
May nag-aabang na ginhawa.

II:
Sa nagtutulungan walang imposible,
Mas nakamamatay ang maling mga detalye.
Minsan sa’tin ding mga tao.
Naghihilahan pababa kaya walang pagbabago. ‘Wag makikinig sa mga sabi-sabi.
Kilalanin mo’ng tunay nating hari.