• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpasalamat si Kyle Echarri sa mga sakripisyo ng kaniyang pamilya para suportahan ang kaniyang pag-aartista.

‘I'm blessed I have a family like this ’: Kyle Echarri, emosyonal na naging bukas tungkol sa sakripisyo ng pamilya

Nagpasalamat si Kyle Echarri sa mga sakripisyo ng kaniyang pamilya para suportahan ang kaniyang pag-aartista.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/19/2020 08:40 AM
‘I'm blessed I have a family like this ’: Kyle Echarri, emosyonal na naging bukas tungkol sa sakripisyo ng pamilya

Naging emosyonal ang isa sa mga The Gold Squad members na si Kyle Echarri habang nagpapasalamat sa mga ginagawang sakripisyo ng kaniyang pamilya para masuportahan siya sa kaniyang pag-aartista.

Sa kaniyang interview kasama ang nakababatang kapatid na si Bella Echarri, ibinahagi ng aktor kasalukuyang set-up nila ng pamilya. "Sometimes I blame myself kasi nga po my dad and my mom; they're still together pa naman pero my dad lives in Cebu. So ever since it's been almost five years na we don't live in the same house.

"So para sa akin, I blame that on myself dahil we won't be in Manila kung wala po akong trabaho dito. And it hurts to think na my dad can't see his little girl (Bella) grow up," kuwento ni Kyle.


Isa rin sa pinagpapasalamat ni Kyle ay ang pag-iinitindi ni Bela sa kaniyang trabaho, kung saan ay madalas mas nakakasama niya ang ina.

"With Bella, she doesn't get to spend as much time with our mom, dahil laging sumasama si Mama sa akin. But she never ever has gone mad about that. And they never made me feel like it's my fault," kuwento ni Kyle habang naging emosyonal na rin ang kapatid.

Ngayong natapos na kamakailan ang huling teleserye ni Kyle na Kadenang Ginto, nagkaroon na ng mas maraming oras si Kyle para sa mga magulang, lalo na sa kaniyang kapatid.

Kyle Echarri opens up about his first love

At dahil may maluwag na ring schedule, nakakapagpokus na rin daw si Kyle sa kaniyang kalusugan at ngayon ay nagsisimula nang mag-gym. "Actually recently nagfo-focus na ako sa health ko. So nag-gym na po ako. And siyempre I try to make bawi to my family," aniya.

Seth, Andrea, Kyle and Francine to shoot new horror film in an island

Mapapanood pa rin si Kyle sa YouTube channel ng The Gold Squad kasama ang kaniyang ka-love team na si Francine Diaz, at sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.