• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna, may pagsisisi nga ba sa naging relasyon kay John Lloyd Cruz?

Ellen Adarna, may pagsisisi nga ba sa naging relasyon kay John Lloyd Cruz?

May hugot si Ellen Adarna ngayong panahon ng COVID-19.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/19/2020 9:52 AM
Ellen Adarna, may pagsisisi nga ba sa naging relasyon kay John Lloyd Cruz?


Tila isang hugot quote ang ibinahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram story nitong Miyerkules ng gabi, March 18.

Ang nasabing hugot quote ay isang public service announcement din ni Ellen na ipaalala sa lahat na manatili sa kanilang mga tahanan ngayong panahon ng community quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19.

“Stay home for 1 month di mo kaya? Nag-stay ka nga sa maling tao for how many years, kinaya mo.”

Dahil dito, hindi rin maiwasan na mag-isip ang mga netizens kung para ba ito sa aktor na si John Lloyd Cruz.

READ: Did Ellen Adarna just announce her split from John Lloyd Cruz?

Matatandaan na kamakailan, naiulat ang naging paghihiwalay nina John Lloyd at Ellen matapos ang Instagram post ng sexy actress kasama ang non-showbiz guy sa kaniyang huling bakasyon sa Madrid.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Central America in Madrid šŸ˜‚ā¤ļø

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

¡!Siiiii!!!¡!¡

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on

Samantala, sa isang Instagram story rin ni Ellen, nilinaw din niya na hindi siya positibo sa COVID-19 at aniya, ine-enjoy lamang niya ang magandang view sa tahanan ng kaniyang kaibigan na si Vito Selma.

2017 nang huling napanood si Ellen sa Kapamilya show na Home Sweetie Home Kung saan magkasama sila ni John Lloyd Cruz.

Taong 2018 naman ng napabalita ang pagsilang ni Ellen sa baby boy nila ni John Lloyd.

READ: LOOK: Is this John Lloyd Cruz' baby with Ellen Adarna?