• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Mga Pinoy local films na libreng mapapanood sa YouTube

WATCH: Mga Pinoy local films na libreng mapapanood sa YouTube

Inilabas ng TBA Studios at Cinema One ang ilan sa mga pinoy local films na libre nang mapapanood sa YouTube.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/18/2020 12:40 PM
WATCH: Mga Pinoy local films na libreng mapapanood sa YouTube


Sa gitna ng 'enchanced' community quarantine na ipinatupad sa buong NCR (National Capital Region), narito ang ilan sa mga pelikulang Pinoy na maaari mong panoorin nang libre sa YouTube.

Inilabas ng TBA Studios at Cinema One sa kanilang YouTube Channel ang ilan sa kanilang mga piling pelikula.

Mapapanood sa YouTube channel ng TBA Studios ang mga ilan sa kanilang indie-films tulad ng Bliss (2017) na pinagbidahan ni Iza Calzado at direksyon ni Jerrold Tarog, nasa listahan din ang Gayuma (2015), Patintero (2015), Iisa (2015), Dormitoryo (2017), Matangtubig (2015), at Water Lemon (2015).

Sa Cinema One YouTube channel naman mapapanood din nang libre ang mga original pinoy films nila tulad ng Ang Anak Ni Brocka (2005), Sa North Diversion Road (2005), Sanctissima (2015), Anino (2000), UPCAT (2008), Rome & Juliet (2006), Yanggaw (2008), Confessional (2007), at That Thing Called Tadhana (2014).

Inilabas din ng direktor na si Kip Oebanda sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang pelikula na Bar Boys (2017). Pinagbidahan ito nina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano.

Samantala, may mahigit 1000 pinoy movies din ang pwedeng mapanood nang libre sa iWant app. Ilan sa mga ito ay ang mga sikat na pelikula ni Vice Ganda na Gandarrapiddo: The Revenger Squad, Beauty and the Bestie, Super Parental Guardians, Amazing Praybeyt Benjamin, at Girl Boy Bakla Tomboy. Libre ding mapapanood ang classic romantic-drama movies ng ABS-CBN Films tulad ng No Other Woman, The Mistress, One More Chance, The Unmarried Wide, One More Try, at The Love Affair.