• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos, ibinunyag na minsan na siyang sumali at nanalo sa pageant

JC Santos, ibinunyag na minsan na siyang sumali at nanalo sa pageant

Interesado rin daw si JC Santos na gumanap bilang drag queen at mag-cosplay para sa isang proyekto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/18/2020 11:57 AM
JC Santos, ibinunyag na minsan na siyang sumali at nanalo sa pageant


Masayang ikinuwento ng Motel Acacia actor na si JC Santos na minsan na siyang sumali at nanalo sa isang pageant noon. Sa kaniyang pagsabak sa game na Pinush Ko O Di Ko Pinush, inamin ito ng aktor.

"Naging ano ako, parang Mr. Angeles University Foundation 2006, ewan ko kung may makakahalungkat pa ng picture na 'yon pero hindi ko sinabi yon nung theater days ko e. It's a theater thing parang tinatawanan nila yung mga nagpa-pageant," kuwento ni JC.

Bago makilala bilang aktor sa pelikula at telebisyon, nagsimula si JC bilang aktor sa teatro sa University of the Philippines kung saan ay nakapagtapos siya sa kursong Theater Arts.

Sa ngayon, bumida si JC sa kaniyang ikalawang pelikula sa taong 2020, ang Motel Acacia. Sinundan ito ng romantic-drama movie niya kasama si Bela Padilla na On Vodka, Beers, and Regrets.

JC Santos, ikinuwento ang 'fanboy moment' nang makita ang 'Rorouni Kenshin' actor

Samantala, sa parehong interview din inamin din ni  na interesado siya sa mga kakaibang karakter tulad ng pagko-cosplay, drag, at maging ang pagganap sa isang biopic.

"Hindi ko pa napupush [ang cosplay], pero ipupush ko ito eventually. Same thing ng drag e. Gusto ko sa isang pelikula makapag-cosplay ako at makapag-drag...

"Gusto ko magkaroon ng historical movie. Gusto ko yung parang may gagayahin akong buhay ng tao, [kasama] yung mannerisms nila—curious ako sa buhay ni Macario Sakay," sagot ni JC.

Panoorin ang interview ni JC dito:

Mapapanood sa mga sinehan ang pelikula ni JC na Motel Acacia. Kasama niya rito bilang cast members si Agot Isidro at ilan pang mga international actors.