• Home
  • Fresh Scoops
  • 14-day Self Quarantine, utos ng ABS-CBN sa bumubuo ng ‘Love Thy Woman’

14-day Self Quarantine, utos ng ABS-CBN sa bumubuo ng ‘Love Thy Woman’

Inabisuhan ng 14 days self quarantine ang mga bumubuo ng “Love Thy Woman” matapos magpositibo sa COVID-19 ang lead actor na si Christopher De Leon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/18/2020 3:08 PM
14-day Self Quarantine, utos ng ABS-CBN sa bumubuo ng ‘Love Thy Woman’


Matapos mag positibo ng aktor na si Christopher De Leon sa COVID-19, sinumulan na ng production staff ng “Love Thy Woman” na abisuhan ang mga bahagi ng programa na nakasalamuha sa eksena ang aktor.

READ: Christopher De Leon, positibo sa COVID-2019

Sa inilabas na statement na ABS-CBN, pinayuhan na ang mga bahagi ng programa mula staff, crew at mga artista na mag self quarantine na sa loob ng 14 na araw.

 

 

Para na rin ito sa pag-iingat at madaling contact tracing kung sakali na madagdagan pa ang duamaraming bilang nang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, buhos naman ang panalangin para kay Christopher De Leon matapos niyang kompirmahin ang pag-positibo niya sa COVID-19.

Kabilang na dito si Kim Chiu, na pinayuhan rin ng kanyang fans na mag pa-test.

Sa ngayon, kabilang ang “Love Thy Woman” sa mga programa ng Kapamilya Network na pansamantalang tumigil ang taping bilang pag-iingat sa COVID-19.