• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpahayag si Angel Locsin ng kanyang pagkadismaya matapos ang experience sa seller ng surgical mask.

Overpriced surgical mask, inalmahan ni Angel Locsin

Nagpahayag si Angel Locsin ng kanyang pagkadismaya matapos ang experience sa seller ng surgical mask.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/17/2020 04:08 PM
Overpriced surgical mask, inalmahan ni Angel Locsin

Dismayado ang aktres na si Angel Locsin matapos siyang alukin ng overpriced na surgical mask.

Sa Twitter post, inilabas ni Angel ang kaniyang saloobin sa isang seller na nag-aalok sa kaniya ng overpriced surgical mask sa halagang 1,500 PHP na kaniya sanang ibabahagi bilang tulong sa mga frontliners o mga health professionals, sundalo, pulis at iba pang propesyon na patuloy na nag-ta-trabaho sa kabila ng pangamba sa COVID-2019.

 


 

“Sa nagbebenta sa akin ng mask na nakalaan para sa mga frontliners natin for P1,500, MAKONSENSIYA HO KAYO,” post ni Angel sa Twitter.

Sa tanong ng isang netizen kung washable mask ba ito, nilinaw ni Angel na “Surgical Mask lang ang mga ito.”

 

 

Hindi na naman na idinetalye pa ng aktres kung sino at saan ang seller na ito.

Kilala ang aktres sa kaniyang aktibong pagtulong sa panahon ng mga unos na hinaharap ng bansa at patunay dito ang lihim na pagtulong niya na walang inaasam na kapalit.

“Sa totoo lang, kung makikita mo ‘yung kaligayahan ba natulungan mo, siguro, triple ‘yung kigayahan na mararamdaman mo kapag ikaw ‘yung taong nakatulong. Mas better na ikaw na ang tumutulong, kaysa mapunta ka doon sa situation nila,” pahayag ni Angel sa huling panayam ng PUSH.

“Mas marami kang ipagpapasalamat talaga, iba ‘yung walang kapalit ‘di ba ‘yung tumulong ka nang walang kapalit.”

READ: Angel Locsin, may panawagan sa kabataan: ‘Tumulong ka ng walang kapalit’

Sa ngayon, patuloy ang bayanihan ng ilang bituin para magpaabot ng tulong sa mga manggagawa na tumutulong sa pamahalaan sa patuloy na pag kontrol ng COVID-2019 sa Pilipinas.