• Home
  • Fresh Scoops
  • May sagot si Bianca Gonzalez sa mga netizens na pinuna ang kaniyang mga pahayag sa social media tungkol sa community quarantine sa Metro Manila.

Bianca Gonzalez to netizen: ‘Stop using the “privileged” card to call me out’

May sagot si Bianca Gonzalez sa mga netizens na pinuna ang kaniyang mga pahayag sa social media tungkol sa community quarantine sa Metro Manila.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/17/2020 12:08 PM
Bianca Gonzalez to netizen: ‘Stop using the “privileged” card to call me out’

Sinagot ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez ang ilang netizens na pumuna sa kaniyang mga pahayag sa social media tungkol sa mandato ng gobyerno na community quarantine sa Metro Manila.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Bianca, "Hello @dimpletamsabs and @araxmi. I have been very sensitive about the plight of daily wagers na no work no pay so kindly stop using the ‘privileged’ card to call me out. Hindi tayo ang magkalaban dito, kakampi tayo," aniya.



Ito ay matapos makatanggap si Bianca ng kritisismo tungkol sa kaniyang mga naunang payo na manatili sa kaniya-kaniyang bahay sa panahon ng quarantine.

Paliwanag pa ni Bianca sa kaniyang hiwalay na tweet, "Guys, please don't take every tweet as all-encompassing. Ang ibang post ng tao ay tungkol sa mga working class na WFH.. ang ibang post ay patungkol sa mga freelancer at creatives na wa work ngayon.. ang ibang post tungkol sa Pilipinong no work no pay. Wag tayo mang away agad."


 

 

Celebrities, may stay-at-home tips ngayong panahon ng community quarantine

Bela Padilla starts online fundraiser for street vendors affected by COVID-19 pandemic

Isa si Bianca sa mga artistang aktibo sa social media tungkol sa kanilang mga adbokasiya. Mapapanood si Bianca bilang host ng showbiz news show na Cinema News sa Cinema One channel.