• Home
  • Fresh Scoops
  • Itinanggi ni Sunshine Cruz na naging magkasintahan sila ni Chuckie Dreyfus.

Sunshine Cruz pumalag sa kine-claim ni Chuckie Dreyfus na naging mag-on sila: ‘Fake news’

Itinanggi ni Sunshine Cruz na naging magkasintahan sila ni Chuckie Dreyfus.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/16/2020 12:33 PM
Sunshine Cruz pumalag sa kine-claim ni Chuckie Dreyfus na naging mag-on sila: ‘Fake news’
Photo credit: @sunshinecruz718 and @chuckidreyfus on Instagram

In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news. That’s not going to be of any help at all.

Ito ang naging pahayag ng sexy award-winning actress na si Sunshine Cruz sa binitiwang salita ni Chuckie Dreyfus na dating kasamahan niya sa That’s Entertainment, sa segment ng isang noontime show na naging girlfriend siya nito noon.

Isa ang pangalan ni Sunshine sa binanggit ni Chuckie na artistang nakarelasyon niya noon for seven months. Ang isa pa raw ay ang singer na si Jessa Zaragosa.


Patuloy ni Sunshine, “Nawindang ako! I am being bombarded since yesterday by people. I was 14-15 years old when I joined That’s Entertainment. Batang-bata!

Meaning wala akong balak makipag-relasyon dahil ang gusto ko makakuha ng break at makatulong sa pamilya ko.”

Matigas din ang naging pagtanggi ng aktres na hindi talaga naging sila.

There was no US! Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo. Sabi mo nga hindi mo na matandaan. Ano ba talaga? Baka naman ibang tao ang tinutukoy mo?

“10 naman pala ang naging gf mo so bakit kami pa ni Jessa na hindi mo din naman pala naging gf ang binanggit mo?

A real man will never say such lies on national TV! Kina macho mo naman ba yan?! Lol!” bahagi ng post ni Sunshine sa kanyang Facebook.

Idinagdag din ng Love Thy Woman star na ang ang ex-husband niyang si Cesar Montano ang naging first boyfriend niya.

Pagdidiin niya, “For the record, my ex-husband was and will always be my first bf. Wag na mag-claim ang iba dyan. Tanda na natin. Sana nakuha mo gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!”

Habang ka-chat namin si Sunshine ay ka-chat din ng aktres si Jessa at naloka din daw ang singer sa pagne-name drop sa kanya ni Chuckie.

I don’t want people to accuse me of lying because of what he said. If he really had 10 girlfriends before, he should have mentioned the real ones. Spare me and Jessa sa kalokohan niya,” sambit pa niya.

Eh, ano naman ang naging reaksyon ng boyfriend niyang si Macky Mathay nang mapanood ang sinabi ni Chuckie?

“Tawang-tawa si Macky,” huling pahayag ni Sunshine sa amin.