• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling mapapanood ang classic Kapamilya series simula ngayong March 16.

Kapamilya shows, apektado ng COVID-19

Muling mapapanood ang classic Kapamilya series simula ngayong March 16.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/16/2020 02:25 PM
Kapamilya shows, apektado ng COVID-19
Photo credit: @dreamscapeph on Instagram

Pansamantalang magbabalik sa classic line-up ng top rating Kapamilya series ang mapapanood ngayong darating na March 16.

 


Alinsunod na rin sa pag-iingat ng mga artista, crew, at empleyado ng mga programa sa community quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan ay pansamatalang ipinatigil ang pagta-taping ng mga shows.
 

 

Ilan sa mga ito ang 100 Days to Heaven na pinagbibidahan nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria, at Xyriel Manabat na pansamantalang ipinalit sa Pamilya Ko.

Off duty muna after four years si Cardo Dalisay at ang buong pamilya ng FPJ’s Ang Probinsyano na papalitan muna ng inspiring kuwento ni Santino sa May Bukas Pa ni Zaiijan Jaranilla.

Balik-kilig naman ang love story ni Clark at Lea nina James Reid at Nadine Lustre sa On The Wings Of Love na kapalit muna ng Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.

At, ang bagong iWant series naman ni Julia Barretto na I Am U ang papalit sa A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson.

Inaasahan na magbabalik ang regular programming ng Kapamilya shows kapag naging maayos na rin ang sitwasyon dulot ng COVID-19.