Julia Barretto, piniling gawing pribado muna ang love life

Piniling sarilihin muna ni Julia Barretto ang tunay na estado ng kaniyang love life ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/16/2020 4:28 PM
Julia Barretto, piniling gawing pribado muna ang love life


Ipinaliwanag ng "I Am U" lead actress na si Julia Barretto ang kaniyang Instagram post kamakailan kung saan ay naging usap-usapan ang tungkol sa kaniyang love life ngayon.

Sa kaniyang interview sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Julia ang natutunan matapos ang mga pinagdaanang isyu noong nakaraang taon.

"Alam naman nating lahat na bawat kibot kembot ko palaging may nasasabi ang mga tao. I think now, I'm freeing myself; I'm free to say whatever I wanna say. I'm free to feel whatever I wanna feel. I'm free to act upon anything. And most importantly I am free to love, anyone whom I love, and anyone who makes me happy," kuwento ng aktres.

Nang tinanong si Julia kung may nagpapasaya ba sa kaniya ngayon, naging tikom ang aktres at tinawanan lang ito.

"Siguro kasi sa trabaho natin, very open book na tayo e. Lahat alam na tungkol sa atin e. Kahit sa mga oras na ito, i-enjoy ko na akin lang 'to, ako lang yung nakakaalam nito, so pino-protektahan ko pa siya," paliwanag ni Julia na pinagbigyan ng mga momshie hosts.

Sa birthday post ni Julia sa kaniyang Instagram nitong March 10 nagsimula ang usap-usapang nagbabalik sa pakikipag-date ang aktres. “A dinner for 10, my family and a loved one,” ayon sa kaniyang caption.

READ: Julia Barretto’s birthday post sparks rumors of new romance

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wearing my current favorite lipstick shade from @sansancosmeticsph— machiato ✨

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

Samantala, sa parehong interview rin ng aktres sa morning talk show, sinabi niya na nakapokus siya sa pagta-trabaho ngayong taon para sa paghahanda niya sa future family niya.

"At 23, gusto ko lang talaga mag-work this year. Para kapag in the future mag-decide ako na magka-family na, ready na ako, comfortable na yung life ko," ani Julia.

Mapapanood sa Primetime Bida ang "I Am U" digital series, bilang pansamantalang kapalit ng primetime line up sa telebisyon bunga ng community quarantine sa Metro Manila. Kasama ni Julia sa naturang serye si Tony Labrusca.