• Home
  • Fresh Scoops
  • Nova Villa, hindi na passion ang pag-arte sa kaniya kundi mission.

EXCLUSIVE: ‘Miss Granny’ star Nova Villa masaya na na-experience na ni Sarah Geronimo ang pag-ibig

Nova Villa, hindi na passion ang pag-arte sa kaniya kundi mission.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/15/2020 12:17 PM
EXCLUSIVE: ‘Miss Granny’ star Nova Villa masaya na na-experience na ni Sarah Geronimo ang pag-ibig
Photo credit: @matteog (R) IG

Dalawang best actress award sa telebisyon ang napanalunan ng veteran actress na si Nova Villa sa Star Awards. Nanalo siya ng Best Comedy Actress taong 1991 sa Abangan Ang Susunod na Kabanata.

Taong 1998 naman nang muli siyang manalo Star Award ng Best Comedy Actress para naman sa sitcom na Home Along Da Riles. Parehong sa ABS-CBN ipinalabas ang dalawang programa.

Para sa magaling na aktres ay hindi na niya itinuturing na isang passion ang ginagawa niyang pag-arte ngayon sa TV at pelikula.


“Alam mo, sabi ko nga, hindi na ano, eh, it’s not a passion anymore—it’s a mission,” pahayag ng 73-year-old actress sa PUSH.

Patuloy niya, “For me, ha, sa edad kong ito, 73 na ako, dati passion talaga yon. Siyempre, you love your craft, gusto mong mag-artista at may gigil ka pa na gusto mong ilabas yung acting mo.

“Pero dumating yung oras na—sa dami ng—yung nanay, mga lola, kita mo naman 73 na ako, siyempre yung mga nanay ng millennials ngayon tsaka mga lola nila, ang lagi nilang sinasabi, ‘Tita Nova, pag napapanood ka namin nakakalimutan ko yung sakit ko.’ It’s because I made them laugh. Alam mo naman yung epekto ng laughter, di ba, nakaka-ano yan. Noon pa nila sinasabi sa akin yan and up to now.”

Kontento na rin daw siya na hindi siya yung artistang tinitilian ng fans.

“Nag-best supporting actress ako sa Guillermo may mga fans na tumitili para kay Nora (Aunor), eh, pero hindi naman dumating si Nora. Sabi ko, ‘Dito walang titili sa akin. Yung mga nanay n’yo nandiyan, parinig nga.’ Ayun, nagtilian naman sila, nando’n kasi yung mga nanay saka mga lola,” natatawa pang kuwento ng comedy actress.

Ibinahagi rin sa PUSH ni Tita Nova na ang pelikulang Miss Granny na pinagbidahan ni Sarah Geronimo ang isang movie na hindi niya makakalimutan dahil sa dami ng nominasyon na nakuha niya dito bilang best supporting actress.

“Nagtataka talaga ako kung bakit ang dami kong nomination sa Miss Granny, parang hindi na natapos-tapos yon last year, sunud-sunod, eh. And I’m very proud na nakasama ko ang isang Sarah sa movie and yet hindi ko siya nakaeksena, kasi di ba ako rin siya.

“Sa premiere night ko nga lang nakita si Sarah noon Sabi ko, ‘Hi Ms. Sarah,’ ako na yung gumanun. ‘Tita Nova,’ nag-embrace kami. Ano ako, na-star struck ako sa kanya kasi ang bait niya,’” pagre-recall pa niya.

And now that Sarah is married to Matteo Guidicelli ay may wish din sa kanya si Tita Nova.

“Happy ako for her. I mean, ito na yung… matagal na siyang dalaga. It’s about time na ma-release ka na at ma-feel mo na talaga kung ano ang pag-ibig, magmahal, yung ganun, kaya I’m happy for her.

Best wishes. Talaga naman I wish her all the best, the happiness. Go, go, go!” huling sambit niya sa PUSH.