• Home
  • Fresh Scoops
  • Desiree Del Valle, bilib sa cast ng ‘Tabing Ilog The Musical’

Desiree Del Valle, bilib sa cast ng ‘Tabing Ilog The Musical’

Ibinahagi ni Desiree Del Valle ang experience matapos mag-surprise appearance sa unang gabi ng show ng ‘Tabing Ilog The Musical.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

3/15/2020 12:33 PM
Desiree Del Valle, bilib sa cast ng ‘Tabing Ilog The Musical’


Photo credit: @teetinv (R) IG

Masayang ibinahagi ng Tabing Ilog TV Series actress na si Desiree Del Valle ang naging experience matapos mag-surprise appearance sa unang gabi ng Tabing Ilog The Musical play.

"It was fun, sobrang nostalgic ng dating. When they did the first part nga, they sang a little bit of the Tabing Ilog theme song. So medyo naluha ako nang very light, kasi sobrang—yung memories. Tapos nakakatuwa kasi nakapag-cameo din ako," pahayag ni Desiree sa interview ng PUSH matapos ang pictorial niya sa bagong serye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

LOOK: Pasilip sa Tabing Ilog The Musical

Pagpapatuloy ni Desiree masaya siya naging pagtanggap ng audience na nasorpresa sa kaniyang appearance sa play.

"Nakakatuwa kasi paglabas ko nang stage yung audience—I guess siyempre hindi naman nila alam kasi sobrang surprise lang na nag-cameo ako, nagpalakpakan sila so sobrang overwhelming ng feeling. Parang nabitin pa nga ako nang konti, kasi parang if only I could do some more I would," kuwento ng aktres na orihinal na gumanap bilang Corrine sa Tabing Ilog noong ipinalabas ito taong 1999 hanggang 2003.

Bumilib din si Desiree sa mga bagong artistang gumanap para sa musical. "Magagaling yung mga cast nila, being newcomers, ganda, magaling yung potensyal ng mga bata," aniya.

Sina Teetin Villanueva, Lou Yanong at Missy Quino ang tatlong aktres na nagsasalitan sa role na Corrine sa naturang musical. Nang tanungin si Desiree tungkol sa dalawa, "Naka-eksena ko si Teetin e. Si Lou naman she introduced herself and sinabi niya sa akin na she's also going to play Corrine, so happy ako. They're nice, buti may gano'n sila; yung 'Hello, ako po si ano', which is nice and which is hindi mo makikita sa mga baguhan ngayon," sagot niya.

Sa ngayon, pansamantala namang itinigil ang mga nakatakdang run ng musical play, dahil sa kamakailan na pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

READ: ‘Pasabog!’: Iza Calzado, Jodi Sta Maria, Sam Milby, at Maricel Soriano, bida sa bagong teleserye na ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Sa ibang balita, isa si Desiree sa mga cast members ng aabangang serye na Ang Sa Iyo Ay Akin. Gaganap siya bilang kapatid ng karakter ni Sam Milby.