Aljon Mendoza at Karina Bautista, napre-pressure nga ba na i-level up ang friendship?

BY
Jeff Fernando
Follow me on Twitter: Jeff Fernando

FRESH SCOOPS

03/15/2020 02:48 PM
Aljon Mendoza at Karina Bautista, napre-pressure nga ba na i-level up ang friendship?
Photo credit: @aljonmendozaa IG

Matapos gumawa ng kanilang pangalan sa Pinoy Big Brother Otso bilang mga housemate ni Kuya, handang handa na sa real world ngayon sina Karina Bautista at Aljon Mendoza.

Kabilang sina Aljon at Karina sa promising tandems na inaabangan ngayon ng kanilang mga fans sa social media.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Earlier at iWant asap push awards year 5! đŸ“¸ @bonitamuf MUA: @aronguevara_ Stylist: @billybeaug @aaronmangsat


A post shared by Aljon Mendoza (@aljonmendozaa) on

 

 

At ngayong napapansin na rin ang kanilang chemistry, naibahagi rin ng dalawa ang kanilang iniidolong love teams.

“Siguro inspiration Kathniel sobrang bow ako, sobrang bilib ako sa kanila sa acting nila. Gusto ko maging mahusay din sa acting,” sabi ni Aljon.

“Ako, Kathniel, Lizquen sobra. Kasi yung Lizquen naman is so genuine, sobrang cute nila together. Even before pa nahuhuli ako nagpo-post ng Lizquen sa facebook. I’m really a fan of them,” sagot naman ni Karina.

Sinagot din nina Aljon at Karina kung na pre-pressure sila na maging ‘more than friends’.

“Para sa akin as long as good yung working relationship niyo... basta solid yung samahan niyo,” paliwanag ni Aljon.

Naniniwala naman si Karina na mas makakabuti sa kanila ngayon ang maging magkaibigan ni Aljon.

“Siguro yung definition ng friendship di ba yung ability to work together tapos yun choice naman kasi,” pahayag ni Karina.

Napapanood ngayon sina Karina at Aljon sa Kapamilya series na Sandugo at Ampalaya Chronicles sa iWant.