• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Julia Montes ang dahilan kung bakit tumanggap ulit ng acting project si Melissa Ricks.

Melissa Ricks, nagkaroon ng anxiety attack nung muling humarap sa kamera

Si Julia Montes ang dahilan kung bakit tumanggap ulit ng acting project si Melissa Ricks.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/14/2020 11:01 AM
Melissa Ricks, nagkaroon ng anxiety attack nung muling humarap sa kamera
Photo credit: @mellyricks09 IG

Inamin ni Melissa Ricks sa interbyu namin for PUSH na si Julia Montes ang totoong dahilan kung bakit bumalik siya sa pag-arte sa Sunday evening series ng ABS-CBN na 24/7.

Ani Melissa, “Super love ko si Julia, that’s the only reason why pumayag po ako na tanggapin yon. Kasi actually, hindi na dapat ako babalik.”

Eh, bakit ba ayaw na niyang bumalik sa showbiz?


“Wala lang,” kaswal niyang sagot sa amin. “Gusto ko lang yung parang regular life. Naa-appreciate ko yung… siyempre napagdaanan na natin yung showbiz di ba, so yung parang normal life na-appreciate ko.

“Kasi since 14 years old ako nasa taping na ako, di ba, so parang naisip ko na i-enjoy ko lang siya (simple life). And nung nalaman ko na si Julia nga ang bida, natuwa ako, pumayag ako.

“Kasi usually, kunyari MMK or mga guestings hindi po talaga ako pumapayag, kahit yung mga morning show or kung anuman,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Melissa.

Nakausap ng PUSH si Melissa sa opening ng bagong branch ng Hazelberry Café ni Ara Mina sa Alabang. Isa si Melissa sa malalapit na kaibigan ni Ara.

Inamin din ng aktres at former Star Circle Quest alumnus na nagkaroon siya ng anxiety dahil sa tagal na hindi siya umaarte sa harap ng kamera.

“Kasi para na akong may anxiety. Para na akong ninenerbyos masyado. May na-develop akong parang ganun,” lahad niya.

Hindi niya raw alam kung saan at kung paano ito nagsimula.

“Hindi ko alam, eh. Para talaga akong magpa-panic attack, yung naiiyak ako sa kaba pag maraming tao, pag may kamera. Kahit ngayon sa taping bawat eksena natatakot pa rin ako. Yung nakakalimutan ko yung lines ko, naba-blanko,” lahad ulit niya.

Pero nalalabanan naman daw niya ang anxiety kapag umaatake ito sa kanya.

“Laban ka lang. Wag kang magpa-consume sa kaba mo, sa takot mo. Tsaka yung mga friends ko naman nando’n kaya suwerte nga. Nung sinabi kasi sa akin itong project na ‘to – dapat hindi.

“Pero nung sinabi sa akin na si Julia daw ang bida, sabi ko, ‘ Oo, susuporta din ako kay Julia siyempre.’ At saka nando’n yung friends ko—sina Matt Evans, Joross (Gamboa), Joem (Bascon) —as in sobrang okey yung cast. And then yung director namin is Direk Manny Palo which is also director ko ng five soaps ko dati so parang kampante na rin ako. Pero siyempre iba na yung kamera, iba na yung mga ilaw, yung mga tao, hindi na po ako sanay,” huling pahayag ni Melissa sa PUSH.