• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos, ikinuwento ang 'fanboy moment' nang makita ang 'Rorouni Kenshin' actor

JC Santos, ikinuwento ang 'fanboy moment' nang makita ang 'Rorouni Kenshin' actor

Binalikan ni JC Santos ang fanboy moment niya mula sa 32nd Tokyo International Film Festival, kung saan ay nakita niya ang Japanese actor na si Takeru Satoh, ang gumanap na Rorouni Kenshin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/14/2020 7:58 AM
JC Santos, ikinuwento ang 'fanboy moment' nang makita ang 'Rorouni Kenshin' actor


Binalikan ng Kapamilya actor na si JC Santos ang nakakatuwang 'fanboy moment' niya nang makita ang Japanese actor na gumanap bilang Rorouni Kenshin sa live action movie nito. Sa naging interview kay JC para sa PUSH Bets Live, ikinuwento niya ang naturang experience na naganap sa pagdalo niya sa  32ndTokyo International Film Festival noong Oktubre.

"Nasa red carpet premiere ako ng Tokyo International Film Festival, tas nasa likod ko yung bida ng Rorouni Kenshin na movie. Nando'n siya sa likod sabi ko, 'Wow, we're same height, and he's so skinny, he looks so good' nag fanboy ako on the spot," masayang kuwento ni JC.

Isa sa mga nag-premiere screening sa naturang film festival, ang bagong horror movie na pinagbibidahan ni JC ngayon na Motel Acacia. Ayon pa kay JC, proud siya na makasama rin ang mga kapwa Pinoy actors at filmmakers sa TIFF kamakailan.

"Kasama ko rin pala si Bela Padilla doon kasi mayroon silang pelikula from Ten17P, yung Mañanita. Nakaka-proud yung Tokyo Film Festival na 'yon kasi ang daming nag-premiere—yung Untrue doon din nag-premiere, yung kay Direk Sigrid Bernardo, tsaka pinalabas ulit yung pelikula ni Antoinette Jadaone na Lila Cuntapay," ani JC.

Ilan din sa mga tampok na Pinoy films sa 32nd TIFF ay ang Mindanao na pinagbidahan ni Judy Ann Santos, at Kuwaresma na pinagbidahan naman nina Sharon Cuneta at John Arcilla.

Sa ngayon, masaya rin si JC na maipapalabas sa mga local cinemas ang nabanggit na bagong pelikula niya, matapos na itong maipalabas dalawa pang international film festival sa Taiwan at Indonesia.

"Actually hindi ko nga ineexpect na ipapalabas ito sa Pilipinas. Ang swerte na pwede pala itong ipalabas dito, na matatangkilik pala ito ng Filipino audience at magugustuhan ito ng Black Sheep at ABS-CBN Films.

"Ang nakakaproud doon ay nag-eenjoy yung international countries, epecially yung Japan—when I was there talagang sold out ang mga cinema," kuwento ni JC.

READ: JC Santos, bakit nga ba nag-eenjoy sa pagiging ama?

Sa ngayon, mapapanood na sa mga sinehan ang Motel Acacia. Sa direksyon ni Bradley Liew, kasama rin sa cast members si Agot Isidro, at ilan pang international actors.