• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘I celebrate Alex’: Roxanne Barcelo proud to be compared to Alex Gonzaga

‘I celebrate Alex’: Roxanne Barcelo proud to be compared to Alex Gonzaga

Isa na ngayong YouTube star si Roxanne Barcelo para sa kaniyang good vibes vlogs.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/14/2020 9:45 AM
‘I celebrate Alex’: Roxanne Barcelo proud to be compared to Alex Gonzaga


Photo credit: @cathygonzaga (R) IG

Dahil sa pagiging aktibo ngayon sa pagbabahagi ng mga nakatatawang YouTube videos, tila hindi naman naiwasan ni Roxanne Barcelo na ikumpara sa parehong energy na binibigay ni Alex Gonzaga sa kaniyang mga YouTube videos.

Sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Roxanne na hindi issue sa kanya ang maikumpara kay Alex na matagal na niyang kilala.

I honestly celebrate Alex. I’ve known her since we were high school, kasi parehas kami ng derma ni Alex and Toni. Same din kami contest na sinalihan ni Toni ‘yung ‘Metropop’, so I’ve known the family for a very long time,” aniya sa TWBA host.

Paliwanag pa ni Roxanne, open siya for future collaboration with Alex para sa isang masayang YouTube vlog.

I’m really happy when people say that, they always tell me to collaborate with Alex. (Open for collaborations?) Of course, I just don’t know how to make it happen. I-message ko ba siya, i-DM [Direct Message] ko ba siya. (Are you friends) We’re friends,” pahayag ng singer-actress.

As of this writing, mayroon ng almost 420 thousand subscribers si Roxanne Barcelo.

Sa ngayon, looking forward ang singer-actress sa kaniyang upcoming iWant series na Fluid kasama sina Joross Gamboa at Anne Colis.