• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Arci, marami siyang natuklasan sa kanyang sarili ngayong single ang kanyang relationship status.

Arci Muñoz, inaantay pa din si Mr. Right

Ayon kay Arci, marami siyang natuklasan sa kanyang sarili ngayong single ang kanyang relationship status.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/14/2020 09:27 AM
Arci Muñoz, inaantay pa din si Mr. Right
Photo credit: @ramonathornes IG

Sa panayam ng ABS-CBN News sa aktres na si Arci Munoz, sinabi nito na sa edad na 31 ay ito ang pinakamahabang panahon na wala siyang naging karelasyon. 

Matatandaan na huling naging boyfriend ni Arci ang businessman na si Anthony Ng at nagkahiwalay sila noong nakaraang taon. 

Ayon sa aktres, masaya na malungkot ang kanyang nararamdaman sa kanyang status na single. 


"Na-discover ko sa sarili ko na malungkot pala ang maging single. Malungkot at saka masaya. Sometimes iniisip mo you are looking for a companion, companionship. Parang paano kaya kung may boyfriend ako ngayon kasama ko siyang manood ng 'Crash Landing on You', 'yung mga trip kong gawin. Pero at the same time ay masaya ako kasi I can spend more time with my family. Na-discover ko na ang dami ko pa palang gustong gawin sa buhay ko na magagawa ko ngayon habang single ako,"  sabi ni Arci. 

PHOTOS: Arci Munoz sizzles in Amanpulo

Dagdag pa niya, magpahanggang ngayon ay inaantay pa din niya si Mr. Right. 

"Naisip ko rin na at 31 parang ngayon lang din yata ako ulit na-single ng ganito kahaba.Wala pa lang talaga na dumarating, wala pa rin si Mr. Right. Siguro by this time siguro alam ko na naman na kung magbo-boyfriend ako ay sana naman 'yun na 'yon," dagdag pa ni Arci.