• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, binigyang linaw ang pagkamatay ng karakter sa ‘Pamilya Ko’

Arci Muñoz, binigyang linaw ang pagkamatay ng karakter sa ‘Pamilya Ko’

Nilinaw rin ni Arci Muñoz ang mga naglabasan na issue sa pagkakaroon umano niya ng attitude problem.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/12/2020 1:19 PM
Arci Muñoz, binigyang linaw ang pagkamatay ng karakter sa ‘Pamilya Ko’


Photo credit: @ramonathornes IG

Tila nabigyang kulay ang pagkakaalis ng karakter ni Arci Muñoz sa late afternoon Kapamilya series na Pamilya Ko kung saan gumaganap siya bilang si Betty.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

January 10, Friday #PamilyaKoDalangPanganib

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Kasunod ito ng naglabasan na blind item patungkol sa attitude problem umano ng aktres sa set na naging dahilan ng pag-patay sa kanyang karakter.

“Hindi, nag-usap kami talaga nang production. Love ko ’yan, family ko yan, dyan ako nagsimula kina RSB [Ruel S Bayani] unit. Kasi ang dami ko rin gustong gawin talaga, na mga proyekto na hindi ko magagawa,” tugon ni Arci sa panayam.

Aniya, naging maayos ang pag-uusap at nagkaroon ng malinaw na pagpapaalam sa lahat sa kaniyang pag-alis sa programa.

“Binigay nila sa akin, pinagbigyan nila ako. Kasi mayroon akong isang pelikula na gusto kong gawin, mga independent film na never ko pang nagawa sa buong buhay ko. So dalawang indie ‘yun na gustong gusto kong gawin na nagkakaroon ng conflict sa schedule ko (Sa Pamilya Ko),”

Kuwento pa ni Arci, dahil sa kagustuhan na tanggapin ang proyekto, napilitan umano siya na pumili sa mga nakahain na offers na dumarating sa kanya at isakripisyo ang ilang proyekto.

“Sabi ko, ‘Palalagpasin ko ba yung mga pagkakataon na yun,’ though naintindihan naman nila ako na ‘yun ang naging choice ko at napagusapan namin maigi nang andon ako sa set kasama ng mga boss na ayun sa schedule hindi permitted,” ani ng aktres.

Paglilinaw ni Arci: “Okay naman kami, scheduling lang talaga ‘yung naging problema, (naintindihan ka ba nila?) Oo, sobrang bait nila at sobrang mahinahon nila ako kinausap on set,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, naka-linya ang limang proyekto kay Arci kabilang na ang dalawang independent film at travel show na kaniyang gagawin ngayong 2020.