Rudy Fernandez, walang kapalit para kay Lorna Tolentino

Lagpas isang dekada nang biyuda si Lorna Tolentino.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/11/2020 01:32 PM
Rudy Fernandez, walang kapalit para kay Lorna Tolentino

Wala nang hihigit pa sa puso ni Lorna Tolentino sa naging pagmamahalan nila ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you ❤️❤️❤️@beautedermcorporation @missrheatan @mariahsantos23 @janeruizalub @bangpineda

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez) on


Kasunod ito nang naging pagdiriwang 68th birth anniversary ni Daboy kung saan nag-alay sila nang mga bulaklak, lobo, at panalangin sa himlayan ng namayapang aktor sa Heritage Park noong March 3.

Photo Courtesy @Gorgyrula IG

“Yung love story namin ni Daboy [Rudy Fernandez] nag umpisa niya akong magustuhan, bata pa ako. Pinangako niya, papakasalan niya ako, ten years ang difference namin, tinupad naman niya ang pangako niya. Siguro, hindi pwede ‘yung nakilala mo lang,” sabi pa ni LT sa panayam ng press sa naging contract renewal niya sa Beautéderm corporation.

Matatandaan na taong 2008, pumanaw si Rudy matapos ang halos ilang taon na pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Aniya, sa edad niya ngayon na 58 hindi na niya inaasam na magkaroon pa ng asawa na tila naging payo na din ng kaniyang mga anak na sina Rap at Renz Fernandez.

“Kasi sinabi rin ng mga anak ko na wag na eh. 46 lang ako nung nawala si Daboy, so nung mga 40s dapat doon pa lang bago mag 50, pero ngayon na 58 na ako, malapit na ako mag senior, hindi ‘yun ang priority ko talaga. Lalong na-lessen na ‘ay okay lang,’”pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, abala si Lorna sa pagganap bilang si Lily sa numero unong Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano.