• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Let’s not spread panic’: Iza Calzado, may payo sa gitna na virus outbreak

‘Let’s not spread panic’: Iza Calzado, may payo sa gitna na virus outbreak

Ibinahagi nina Iza Calzado at Sam Milby ang mga personal nilang ginagawa para protektahan ang sarili sa gitna ng virus outbreak.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

3/11/2020 11:55 AM
‘Let’s not spread panic’: Iza Calzado, may payo sa gitna na virus outbreak


Sa gitna ng dumaraming kaso ng apektado ng novel coronavirus (COVID-19), ibinahagi ng Kapamilya actors na sina Iza Calzado at Sam Milby ang kanilang mga ginagawa para protektahan ang sarili.

"Honestly it's just really about strengthening my immune system. Unfortunately not everybody will have access to a vitamin drip. Not everybody will even be able to afford the vitamin C that can take as many. For me that's my personal pangontra, just awareness," pahayag ni Iza sa interview ng PUSH, matapos ang pictorial para sa kaniyang bagong pagbibidahang teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Pagpapatuloy ni Iza, makakatulong kung bibigayan ng pokus ang sariling kalusugan, at iiwasan ang pagpapanic.

"Of course, if a person is sick, let's try not to be near them, or make beso, or touch our face after being near them. Let's just be mindful, and let's not spread panic. I think everybody just need to sleep better, and be more mindful, wag kayong magwalwal please," ani Iza.

Aminado naman ang kapwa aktor na si Sam na nag-alala siya noong tamaan ng lagnat nitong kamakailan, na nagdulot pa ng kaniyang pagliban sa isang taping.

"Honestly two weeks ago, medyo na-scare ako kasi nilagnat ako and all the symptoms, tapos the next day dapat may taping, pero hindi ako nag-taping. So I isolate myself for a few days. But yung lagnat nag-last lang naman ng six or seven hours, so hindi naman gano'n katagal it wasn't too scary. Pero I had sore throat, sinuses, ubo, it's a bit scary," kuwento ng aktor.

Sa ngayon may 33 nang kasong kumpirmado ng coronavirus cases sa Pilipinas, kasunod nito ay ang pagdeklara ng Presidente ng public health emergency sa buong bansa.

Sam Milby to return to primetime TV with new series

Samantala, bibida sa bagong teleserye sina Iza at Sam na Ang Sa Iyo Ay Akin. Mapapanood ito simula March 23, sa Kapamilya Gold.