• Home
  • Fresh Scoops
  • Hillary Tan also reveals she was almost in a relationship with Alex Diaz.

EXCLUSIVE: Hillary Tan says Alex Diaz was the heartthrob of their campus before coming out as bisexual

Hillary Tan also reveals she was almost in a relationship with Alex Diaz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/11/2020 10:44 AM
EXCLUSIVE: Hillary Tan says Alex Diaz was the heartthrob of their campus before coming out as bisexual
Photo credit: @imhillarytan on Instagram (left)/ @alexandermcdizz on Instagram (right)

Sa Enderun Colleges (Bonifacio Global City) nakilala ng model-turned-actress na si Hillary Tan ang controversial singer-actor na si Alex Diaz. Pareho rin daw sila ng circle of friends noon at si Alex ang heartthrob ng kanilang campus kaya nagulat siya sa biglang pag-amin ni Alex about being a bisexual.

“Nagulat po talaga ako, kasi before, back in college, sobrang guy na guy po talaga siya and I didn’t expect na ganun. But nung lumabas po yung news na yon happy pa rin po ako for him,” reaksyon ng dalaga.

Hindi raw niya ini-expect ang ginawa ni Alex na aaminin sa publiko ang totoo niyang gender.


“Yes po, I didn’t expect for that to happen lalo na po sa pagkakakilala ko sa kanya – na guy na guy po siya before. Lalo na do’n sa college kasi ang dami pong nagkakagusto sa kanyang girls.

“Heartthrob siya before and now po na nag-come out siya, pati po ako na-shock talaga. But then, sabi ko nga, I’m still happy for him na yon yung choice niya, no judgment naman po,” lahad ni Hillary.

Hindi naman itinanggi ni Hillary na nakakontrata sa Asterisk Artist Management na muntik na ring maging sila noon ni Alex.

“Before po kasi nung college we tried going out po at do’n po nag-start yung medyo nagustuhan namin ang isa’t isa. Casual dating lang naman po, pero nothing like super serious. Parang before MU (mutual understanding) level lang yung sa amin kasi umalis na siya ng school at nag-concentrate na siya sa showbiz,” pagtatapat pa niya.

Sa tanong ng PUSH kay Hillary kung mahina ba o talagang wala siyang “gaydar” kaya hindi niya naamoy ang gender ni Alex, aminado siyang hindi ito umandar sa dating schoolmate.

“Kasi po that time, almost lahat po ng girls gusto siya, eh. Tapos medyo ano din po siya, very friendly with other girls, so parang I didn’t notice, I didn’t think of it na aabot sa point na magiging ganun yung sexuality niya,” rason niya.

Para kay Hillary ay hindi madali ang ginawa ni Alex kaya hinangaan daw niya ang ginawa nito.

“Actually nung umamin siya sa lahat I felt happy for him and I felt relieved na nakaamin na rin siya ng ganun, kasi it’s really hard to tell everybody kung ano talaga yung napi-feel niya deep inside. Kasi marami ngayon na pagdating sa sexuality ay nahihirapan na mag-confess kasi feeling nila idya-judge sila ng mga tao.

“So I really feel happy for him na nagawa niya yon at ang lakas ng loob niya to say his words kung ano yung napi-feel talaga niya. Natutuwa rin ako sa nababasa kong mga comments na parang naa-accept po ng mga tao yung pag-open niya,” reaksyon ni Hillary sa ginawa ni Alex.

Ano naman ang mensahe niya kay Alex?

“More power for you. I’m really happy for you for everything, for the success na na-achieve mo before and until now sobrang nakita ko lahat ng achievements mo. God bless you,” wika pa niya para kay Alex.