• Home
  • Fresh Scoops
  • “After five years aamin din 'yan,” biniro ng mga momshie hosts ang magka-love team na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

‘Protective boy friend’: Seth Fedelin at Andrea Brillantes, umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon

“After five years aamin din 'yan,” biniro ng mga momshie hosts ang magka-love team na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/10/2020 12:52 PM
‘Protective boy friend’: Seth Fedelin at Andrea Brillantes, umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon

Kinikilig habang binibiro ng mga momshie hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal ang SethDrea sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, March 6.

Nagulat sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes nang biglang banggitin ni Melai ang pagiging "protective boyfriend" ni Seth kay Andrea lalo na sa pananamit nito.

"Daig niya pa sila mama. Naiintindihan ko lang din po yung rason niya kasi nirerespeto niya po ako, tapos gusto niya ring respetuhin ako ng lahat," reaksyon ni Andrea sa mga momshie hosts.


Ayon kay Melai, matagal na niyang napapansin ang pagbabago ni Andrea simula nang maging malapit ito kay Seth. "Simula nang nagkakilala kayo ni Seth talagang pag magkasama kayo binabago ang damit mo," ani Melai.

Nang diretsong tanungin ang magka-love team tungkol sa kanilang relasyon, sinabi ni Seth na 'special friend' sila sa isa't-isa. "After five years aamin din 'yan," agad na reaksyon naman ni Karla.

Kasama ang babaeng kapatid ni Seth, at kuya ni Andrea, parehas na nagbigay na kanilang suporta sa relasyon ng dalawa.

Sa parehong episode din ay nag-iwan si Seth ng kaniyang birthday wish para kay Andrea. "Gusto ko lang mag-thank you kasi nakakilala ako ng babaeng gaya mo. Ang wish ko sa ‘yo sana matupad na ang mga pangarap mo para sa sarili mo, para sa pamilya mo. At gusto ko ring sabihin na tutulungan kita sa mga pangarap mo. Magtutulungan tayo, okay," sabi ni Seth.

Mapapanood ang SethDrea, kasama ang KyCine o sina Kyle Echarri at Francine Diaz, sa YouTube channel ng The Gold Squad.