• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging biktima na naman ng death hoax ang The Voice Teens Philippines coach na si Bamboo Manalac.

Bamboo Manalac, nabiktima ulit ng fake news

Naging biktima na naman ng death hoax ang The Voice Teens Philippines coach na si Bamboo Manalac.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/10/2020 05:02 PM
Bamboo Manalac, nabiktima ulit ng fake news

Bamboo Manalac, muling naging biktima ng fake news.

Ito ay matapos mag-viral ulit ang isang death hoax patungkol sa The Voice Teens Philippines coach sa social media.


Ngunit salungat sa mga bali-balita, buhay na buhay ang Vocal Rock Maestro. Sa katunayan, nasa bahay lamang ito nang umugong muli ang maling balita, ayon sa manager niyang si Pancho Gonzales.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima ng fake news si Bamboo.

Matatandaang napabalita rin na pumanaw ang singer matapos maaksidente sa isang car collision sa Quezon province noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, busy si Bamboo ngayon sa pagiging coach sa The Voice Teens Philippines na umeere sa ABS-CBN ng Sabado at Linggo ng gabi.