Sa bagong Instagram post ng bagong engaged na si Antoinette Jadaone, ikinuwento ng direktor ang muntikang pagkawala ng kaniyang engagement ring. Ayon sa naturang post, isang umaga nang mapansin niya at ng fiance na si Dan Villegas ang nawawalang sinsing.
"Chineck ko ang banyo. Sa lababo — kakasipilyo ko lang, nahulog ba??? Kinalikot ko ‘yung drainage, wala! Jusko, wag naman sanang nahulog! Chineck ko ‘yung basurahan. Mami, hinalungkat ko, jusko ang dirty, pero ‘yung singsing jusko po, okay lang maging dirty! Wala! Jusko, rurok na ba ng katangahan ko at nai-flush ko??? Jusko, wag naman sana, kasi mahirap kalikutin ‘yung inidoro, super dirty na! Oo, nakatira ako malapit sa Pasig River pero inidoro is dirty pa rin!
"Chineck ko maleta ko. Naghihintay na ‘yung room cleaner kasi 10am pa dapat ang check out pero past 12 na. Sabi ko, “Te, nawawala engagement ring ko!” Syempre in English, so naintindihan niya bilang TFC subscriber.
"Tinanggal ko ‘yung inayos ko nang mga damit at balabal para magkasya lahat sa isang maleta lahat ng gamit. Tinanggal ko mga pantalon, mga coat, at biglang — TING! Bwakangangshet, andun ang singsing! Kung kaninang umaga PH time ay may naramdaman kayong hangin, ‘yun ‘yung buntung-hininga ko. Jusko. ‘Yung sigh of relief, akala ko nagawa ko na dati, pero hindi. ‘Yun pala ang sigh of relief. Kapag ipapagawa ko ang sigh of relief sa mga artista, alam ko na kung paano talaga. Take 1 kaya ko ‘yan," ayon sa post ni Antoinette kasama ang larawan ng singsing sa kamay.
Kilala sina Dan at Antoinette bilang founders ng film production company na Project 8 Corner San Joaquin Projects. Ilan sa mga gawang pelikula ni Antoinette ay ang That Thing Called Tadhana and Alone/Together, habang si Dan naman ang may gawa ng box office movie na Exes Baggage.