• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Alonte inaming minsan nang sumuko sa relasyon nila ni Loisa Andalio

Ronnie Alonte inaming minsan nang sumuko sa relasyon nila ni Loisa Andalio

Ronnie Alonte, inaming umabot sa puntong umayaw na siya sa relasyon nila ni Loisa Andalio.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/8/2020 2:40 PM
Ronnie Alonte inaming minsan nang sumuko sa relasyon nila ni Loisa Andalio


Isa sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa mga showbiz celebrity couples na hinahangaan ng marami ngunit inamin ng aktor na hindi perpekto ang kanilang relasyon.

Sa kanyang panayam sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Ronnie na umabot na siya sa puntong sinukuan niya ang kanilang relasyon dala na rin ng stress nila noon.

“Maraming beses na po ako na gustong sumuko. Maraming beses na, siguro po sa mga nangyaring pagsubok sa amin dati,” ani Ronnie.

Natutunan naman daw niya na pagdating sa pag-ibig ay kailangan talagang magbigayan.

 “Kaya mo siya minahal ng todo kasi kailangan tanggap mo siya… Noong time na ‘yon hindi ko pa, wala pa akong alam sa gano’n ‘di ko siya natutunan Tito Boy hangga’t ‘di nangyari… Naisip ko na mga pangako ko dati sa social media na ‘Ikaw ang pang habang buhay ko’ tapos sinabi ko sa kanya ‘Ayaw ko na’ ang daming stress na pumasok sa isip ko,” pag-amin ni Ronnie.

Bagamat napagod siya noon, sa tulong na rin ng kanilang fans ay napagtanto ni Ronnie kung gaano niya kamahal si Loisa at hindi niya kayang mawala ang aktres sa kanya.

"Bumalik sa utak ko, 'Oo nga no. Hindi ako sanay nang wala siya sa tabi ko lagi, hindi na ako sanay nang wala siya.”

Naging emosyonal naman si Ronnie at sinabing, "Tanggap ko na. Wala man mapunta sa akin eh maibigay ko lang iyong pagmamahal na gusto niya -- huwag niya lang akong iwan at gagawin ko ang lahat." 

Inamin naman ng ‘LoiNie’ ang kanilang relasyon noong 2018 at sa sumunod na taon ay naging usap-usapan ang kanilang di umano’y hiwalayan.

Read: Loisa Andalio on her relationship with Ronnie Alonte: ‘Hindi kami showbiz bilang mag-jowa’

Matapos malagpasan ang mga pagsubok ay naging mas matatag naman ang dalawa. Kasalukuyan ding busy ang dalawa sa pag-promote ng kanilang pelikulang James and Pat and Dave na pinagbibidahan din ni Donny Pangilinan.

Ipapalabas ngayon Pebrero 12 sa mga sinehan ang nasabing pelikula.