• Home
  • Fresh Scoops
  • Reservist Ejay Falcon nakibahagi sa pagbibigay ng tulong ng PAF sa Taal victims

Reservist Ejay Falcon nakibahagi sa pagbibigay ng tulong ng PAF sa Taal victims

Ejay Falcon, sumama sa relief operations ng Philippine Air Force.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/8/2020 12:33 PM
Reservist Ejay Falcon nakibahagi sa pagbibigay ng tulong ng PAF sa Taal victims


Nakibahagi si Ejay Falcon sa isinagawang pagbibigay ng tulong ng Philippine Air Force (PAF) sa mga nabiktima ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas City.

Sumama si Ejay kina MGen. Molina (Ret), General Manager of Villamor Air Base Golf Club with MGen Allen Paredes, AFP Commanding General Philippine Air Force represented by MGen Ferdinand Cartujano AFP, Commander AETDC and PAFCMOG Personnel na nagbigay ng P250,000 worth of cash and P250,000 worth of relief goods to the Provincial Government of Batangas.

Nakagaan kahit papaano sa pakiramdam ng ilang evacuees ang presence ni Ejay at ang ipinakitang support niya sa PAF during the calamity.

“Simpleng bagay lang po yung ginawa ko kumpara sa mga pinagdaanan ng mga kababayan natin and I’m praying na makabagon na ang Batangas sa nangyari,” reaksyon ni Ejay.