• Home
  • Fresh Scoops
  • Alessandra de Rossi at Maxene Magalona, gustong mag-host ng sariling talk show

Alessandra de Rossi at Maxene Magalona, gustong mag-host ng sariling talk show

“Pang narcissist yung show,” ibinahagi nina Alessandra de Rossi at Maxene Magalona ang nakakaaliw nilang konsepto para sa isang talk show na pinamagatang, ‘All About Us’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/8/2020 11:19 AM
Alessandra de Rossi at Maxene Magalona, gustong mag-host ng sariling talk show


Ibinahagi ng long-time best friends na sina Alessandra de Rossi at Maxene Magalona ang matagal na nilang naisip na konsepto para sa talk show na sila ang magho-host.

Sa kanilang pagbisita sa Magandang Buhay nitong Biyernes, ikinuwento nang magkaibigan ang naisip na talk show na pang-"narcissist" daw.

"Matagal na matagal na 'yon bata pa kami no'n. I was 19, tas 17 siya. Sabi ko dapat magkaroon tayo ng talk show ang title, 'All About Us' tapos tungkol lang sa sarili natin.

"Tapos lahat ng guests --kunwari kayo ang guests, 'Hi, Welcome Bianca, Melai, and Jolina, do you have a question for us? 'Cause this show is, All About Us," kuwento ng dalawa.

Sa parehong interview din, ikinuwento ni Maxene ang pagkakaibigan niya kay Alessandra de Rossi na nagsimula daw noong siya ay 17 years old pa lamang.

"Nung time na nakilala niya talaga ako, I was really in a bad place na parang magulo talaga I was lost. She was the one who would put me in my place.

"She did something with me na never kong malilimutan at nagmarka sa akin yon, how she talks to me, talks straight to me na alam kong she means it. Kinakalibutan ako pag naaalala ko kasi it’s one of those core memories na you will never forget with a friend e. It's one of those things na may naging effect na sa akin, na alam kong tatanawin ko for the rest of my life," paliwanag ni Maxene.

Maxene Magalona assures fans she is not anorexic nor bulimic

Alessandra de Rossi rumored to be dating director Rico Gutierrez

Nananatiling matibay ang pagkakaibigan ng dalawa kahit na naging biruan na nila ang hindi pagdalo ni Alessandra sa kasal ni Maxene noong 2018. Paliwanag ni Alessandra, sadyang may nauna na itong commitment kaya't hindi siya nakadalo.