Sexy singer, bagong image ni Marion Aunor?

Mas daring si Marion sa kaniyang bagong image ngayong 2020.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

02/07/2020 12:27 PM
Sexy singer, bagong image ni Marion Aunor?
Photo credit: @marione IG

Bagong single at bagong image rin ngayon ang hatid ng singer na si Marion Aunor na pasabog ang naging retrato sa kaniyang social media account.

Sa Instagram, ginulat ni Marion ang kaniyang followers sa kaniyang wet look at may pasilip sa kaniyang dibdib.


“Mahal Kita Ngayon” caption ni Marion sa post na title ng kaniyang bagong single.

Si Marion ay nakilala bilang dating Star Music Artist bago lumipat sa Viva Records noong 2018 bilang contract singer.

READ: Marion Aunor, nagbigay pahayag sa pagkukumpara sa kanila ni Moira Dela Torre

Mas nakilala rin si Marion sa kaniyang mga hugot na awitin tulad ng kaniyang “Pumapag-ibig”, “If You Ever Change Your Mind” at kanyang version ng “I Love You Always and Forever”.

Si Marion ay anak ng dating singer na si Lala Aunor at kamag-anak ni Superstar Nora Aunor.