• Home
  • Fresh Scoops
  • Bilib rin si Joross Gamboa sa action scenes a ipinamalas ni Julia Montes.

Joross Gamboa, excited sa pagbabalik ni Julia Montes

Bilib rin si Joross Gamboa sa action scenes a ipinamalas ni Julia Montes.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

02/07/2020 11:59 AM
Joross Gamboa, excited sa pagbabalik ni Julia Montes

Sa look test ng Fluid, isang bagong iWant project, ibinahagi ni Joross Gamboa ang isa pang aabangan na proyekto kasama ang nagbabalik na Julia Montes.

Marami ang nakapansin na timing ang kanilang serye sa mga kaganapan ngayon tungkol sa kumakalat na virus. Kaya naman, naikuwento ni Joross na isa siya sa mga kaiinisan sa bagong proyekto na ito.


“Sa 24/7 medyo maiinis kayo in a way pero mahal ko yung bata pero hindi kami okay doon ni Julia, nag-aagawan kami sa custody ng bata,” kuwento ni Joross

Bilib rin si Joross sa performance ni Julia lalo na sa action scenes.

“Kahit siya parang hindi siya nag adjust at all parang wala nakapag deliver agad siya ng maayos ang galing niya,” pahayag ng aktor.

Inaasahan na mapapanood ang 24/7 ngayong 2020.