• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag din ni Janine Berdin ang naging dahilan kung bakit maaga nagkaroon ng problema sa kaniyang boses.

Janine Berdin, inaming natakot makalimutan ng fans

Ipinaliwanag din ni Janine Berdin ang naging dahilan kung bakit maaga nagkaroon ng problema sa kaniyang boses.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/07/2020 12:05 PM
Janine Berdin, inaming natakot makalimutan ng fans

Handang handa na sa kaniyang pagbabalik ang singer na si Janine Berdin matapos ang mahigit sa isang buwan na pamamahinga ng kaniyang boses.

Matatandaang pansamantalang nagpahinga si Janine para ipahinga ang kaniyang boses matapos matuklasan na mayroon siyang nodules sa kaniyang lalamunan.

Kuwento ni Janine, mas maayos na siya ngayon matapos ang naging pahinga nang kaniyang boses.


“I'm a lot better now” aniya sa panayam.

Kuwento ni Janine, sinikap niya na ipahinga ang kanyang boses para agaran na makabalik sa It's Showtime at ASAP.

“Siyempre not everyone gets the chance to perform on 'ASAP' and 'It's Showtime', ako na-feel ko po na nasasayangan ko ang opportunity tsaka baka pagbalik ko 'yung fans ko (nawala na) natakot po ako siyempre. But naramdaman ko naman 'yung support nila during my rest. Kahit nawala ako sandali lagi sila nag-tweet sa akin at nag-message,” aniya pa.

Dito, ipinaliwang din ng kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" ang naging dahilan kung bakit maaga nagkaroon ng problema sa kaniyang boses.

"Overuse sa voice, and hindi proper 'yung placement, hindi rin talaga ako nag-train nang professionally like amateur singing contest lang naman ako na dumiretso sa 'Tawag ng Tanghalan', diretso dito, kaya hindi ko alam kung ano ang tamang techniques," sabi pa niya.

At sa kaniyang pagbabalik, pinasalamatan din ni Janine ang mga taong naghintay at patuloy na nagmamahal sa kaniya

"Feeling a lot better and I feel secure na, kasi na feel ko 'yung challenge na 'yun noong nawala ako tapos mayroon pala akong support system na ganito ang 'ASAP' family and 'It's Showtime' family ko at mas happy ako to know na they're all behind my back," aniya.