• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gab Lagman, inihahanda ang sarili habang naghihintay ng kanyang big break

EXCLUSIVE: Gab Lagman, inihahanda ang sarili habang naghihintay ng kanyang big break

Gab Lagman, may back-up plan kung sakaling hindi umusad ang showbiz career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/7/2020 9:53 AM
EXCLUSIVE: Gab Lagman, inihahanda ang sarili habang naghihintay ng kanyang big break


Photo credit: @gablagman IG

Hindi pag-aartista ang orihinal na plano noon ng hunky actor na si Gab Lagman kung bakit siya umuwi ng Pilipinas mula sa Amerika.

Ani Gab, “Well, my plan was only to stay here for three or four months because I was a Nursing student in States (Las Vegas). Puno lang po kasi yung classes ko, so sabi ko I’ll go home for like three or four months.

“Sabi ko, ita-try ko kung may mangyari man, and then yon, luckily nag-sign po ako sa Viva and tuluy-tuloy na po. Hindi ko talaga plan.”

Magta-tatlong taon na sa Viva si Gab at masuwerteng naging bahagi ng teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos, at Sam Milby.

“Hindi ko po naisip na magiging tuluy-tuloy yung project kokaya nung nabigay po sa akin yung Halik sobrang thankful po ako sa RSB Productions at sa ABS-CBN na pinagtiwalaan ako.

“I’ve only been in the industry for three years and everything happened so fast. At some point I felt overwhelmed nung nasa Halik po ako, kasi siyempre nakakaeksena ko po yung mga actors that I looked up to –Kuya Echo, Kuya Sam – I felt like it was a blessed experience po talaga,”reaksyon pa ng binata.

Kapag hindi naging successful bilang aktor ay balak ni Gab na ituloy ang pag-aaral.

“Kung hindi po ako naging satisfied sa takbo ng career ko I’m planning to go back (sa States) or dito po and study, not Nursing, pilot na po.”

Pero handa naman daw siyang maghintay kung kelan darating ang kanyang panahon.

“For me, I’m just being patient. I don’t want to… I really believe in timing po. Timing lang po talaga yan,  so I’m not going to force… I’m not going to be upset if I don’t… I know like some actors waited for 8, 7 years.

“Siguro ako po, ano po, I will probably give myself five more years. If nothing happens really big before I turn 30 I wanted to pursue my pilot thing,” wika ng 24-year-old model-actor.

Aminado naman si Gab na marami pangkulang sa kanya at kailangang matutunan bago mabigyan ng big break.

Lahad ni Gab, “I think kailangan ko pa po talagang mahasa pa and if ever I get the main role I want to be ready muna before I get it. And I think for now, okey na yung support-support role muna.

“I just wanted to be ready talaga kung ako na po talaga yung main star. I don’t want to be rushing it because I know it takes time and I know you’ll get that from experience also. Hindi po kasi yon basta-basta nakukuha unless super talented mo talaga.”

Samantala, tatlong pelikula angnakatakdang gawin ni Gab sa Viva na bahagi ng 34 movies na ipo-produce nila ngayong 2020. Ito ay ang mga pelikulang Love The Way You Lie, Mang Jose, at UFO.