Sam Concepcion, pinagselosan nga ba ni Joshua Garcia?

Nilinaw ni Sam Concepcion ang bali-balitang minsan na siyang pinagselosan ni Joshua Garcia dahil kay Janella Salvador.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/6/2020 1:24 PM
Sam Concepcion, pinagselosan nga ba ni Joshua Garcia?


Nilinaw ni Sam Concepcion ang bali-balitang minsan na siyang pinagselosan ni Joshua Garcia dahil kay Janella Salvador.

Base ito sa imaheng kumakalat sa social media kung saan makikitang inakbayan ni Joshua si Janella matapos itong kinausap ni Sam sa thanksgiving party ng kanilang series na "The Killer Bride."

Sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Miyerkoles, nilinaw ni Sam na walang katotohanan sa nasabing balita at iginiit na magkakaibigan lamang silang tatlo.

Ngunit, nang tanungin ng TV host na si Boy Abunda, inamin ng singer-actor na marami itong gusto tungkol kay Janella.

"Janella is a very dedicated actress. She's very good. She's also a singer. Definitely [gusto ko siya as a professional]," paliwanag ng aktor.

"Gusto ko siyang makatrabaho ulit," dagdag niya.

Nang tanungin naman kung may posibilidad na ligawan niya ang aktres, sagot ni Sam: "Hypothetical? Well, yes."

Abala si Sam sa appearances at promotion niya ng kanyang latest project: ang restaging ng "Joseph the Dreamer", isang musical mula sa professional gospel theater company na Trumpets.

Ayon kay Sam, ipapalabas ang nasabing musical mula February 21 hanggang March 7 sa Maybank Performing Arts Theater sa Taguig, sa direksyon ni Paolo Velanciano.