• Home
  • Fresh Scoops
  • Pormal nang ipinakilala sa press ang 40 official candidates ng Binibining Pilipinas.

Meet Batch 2020 of Binibining Pilipinas

Pormal nang ipinakilala sa press ang 40 official candidates ng Binibining Pilipinas.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

02/06/2020 08:31 PM
Meet Batch 2020 of Binibining Pilipinas
Photo credit: @bbpilipinasofficial IG

Umarangkada na ang pagsisimula nang laban sa batch 2020 ng Binibining Pilipinas.

Nitong February 6, pormal nang ipinakilala ang 40 lovely candidates ng Binibining Pilipinas sa naganap na screening sa New Frontier Theater sa Araneta City, Cubao.

Bawat isa sa kanila ay dumaan sa masusing screening sa pamumuno ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) head Stella Marquez-Araneta.


 

Mula sa halos 100 na nagagandahang Binibini, napili na ang 40 kandidata na angat ang kagandahan na maglalaban-laban para sa limang korona na nasa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated, kabilang na ang Binibining Pilipinas Globe, Binibining Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Supranational at Binibining Pilipinas International.

Simula pa lang mainit na ang mga pangalan ng returning candidates na sina Hannah Arnold, Samantha Bernardo at Vickie Marie Rushton.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

đŸ‘‘ Congratulations to our official TOP 40 Binibinis! #BbPilipinas2020

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial) on

 

Kasama sa naganap na screening ang reigning queens na sina Emma Tiglao, Leren Mae Bautista, Aya Abesamis, Patricia Magtanong at Gazini Ganados.

Inaasahan na sa April 26, 2020 gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas.