• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala ni Karla Estrada ang mga naging ex-boyfriends niya sa usapang 'closure' kasama ang mga momshie hosts ng ‘Magandang Buhay.’

Karla Estrada sa kaniyang mga ex: 'Lahat 'yon may closure'

Inalala ni Karla Estrada ang mga naging ex-boyfriends niya sa usapang 'closure' kasama ang mga momshie hosts ng ‘Magandang Buhay.’

BY
Edo Daria

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

02/06/2020 11:12 AM
Karla Estrada sa kaniyang mga ex: 'Lahat 'yon may closure'

Inalala ng momshie host na si Karla Estrada ang mga naging ex-boyfriends niya sa usapang 'closure' sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, February 5. Ayon sa momshie host siniguro niyang mayroong siyang closure sa mga naging karelasyon niya at ama ng kaniyang mga anak.

"Lahat sa akin may closure. Kasi mahirap kapag wala dahil may mga anak eh. Lahat puwede mong tiisin para sa mga anak mo, 'di ba? Because 'di ka puwedeng maging selfish. I am talking about sa tatay ng aking mga anak. Lahat 'yon may closure," pahayag ni Karla.

Pagpapatuloy ni Karla, may nabuo siyang magandang relasyong maging sa pamilya ng kaniyang mga ex.


"Kasi para sa akin magandang makita ng mga anak ko na nakikitang maganda pa rin ang relationship ko sa mga tatay nila para maituturo natin sa mga anak natin kung paano magpatawad at maging mature sa mga bagay-bagay," paliwanag ng morning talk show host.

Binigyang halimbawa ni Karla ang isa sa mga ex niyang si Rommel Padilla, ang ama ng panganay niyang anak na si Daniel Padilla.

"Alam mo sa experience ko, sobrang bait at kabutihan ang ipinakita sa akin kaya hindi ko kayang bitiwan ang pamilya ng mga ex ko. Talagang inalagaan nila ako nung kami pa ang pamilya," ani Karla.

"Matuto tayong magpatawad dahil sa mga anak. Huwag na pong ipadanas sa mga anak niyo ang mawalay sa kanilang mga magulang. Hindi kasalanan ng anak ang kamalian ng mga magulang," dagdag ni Karla.

READ: Karla Estrada, ‘bantay sarado’ ng anak na si Daniel Padilla

READ: How did Karla Estrada and Jim Ignacio’s love story begin?

Samantala, masaya si Karla sa bagong natagpuang pag-ibig ngayon sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jim Ignacio.