• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik-telebisyon ang aktor na si Jericho Rosales para sa bagong teleserye.

Jericho Rosales, magbabalik telebisyon

Balik-telebisyon ang aktor na si Jericho Rosales para sa bagong teleserye.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/06/2020 03:11 PM
Jericho Rosales, magbabalik telebisyon
Photo credit: @jerichorosalesofficial on Instagram

Balik-telebisyon ang aktor na si Jericho Rosales para sa bagong teleserye.

Sa Instagram, masayang ibinalita ng RSB Scripted Formats ang pagbabalik ng tinaguriang Asian Drama King sa primetime isang taon matapos ang tagumpay ng kanyang huling serye na "Halik".

Ang RSB Scripted Formats ang entertainment production group sa likod ng mga sikat na palabas na "Make It With You", "A Soldier's Heart", "The Killer Bride" at "Pamilya Ko".

Hindi naman inanunsyo kung sino ang mga makakasama ni Jericho, o kung kailan ipapalabas sa telebisyon ang nasabing proyekto. Maging ang director ng palabas ay hindi rin pinangalanan.

Matatandaan na noong Abril, sinabi ni Jericho, 40, na magpapahinga muna siya sa paggawa ng teleserye upang "i-repackage" ang kanyang sarili bilang artist. Aniya, mas gusto na muna niyang mag-concentrate sa paggawa ng mga pelikula at digital content para sa iWant TV