Ama nina Yassi at Issa Pressman, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 90 si Ronald Pressman, ama ng magkapatid na Yassi at Issa Pressman.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/6/2020 8:34 PM
Ama nina Yassi at Issa Pressman, pumanaw na


Lubos na nagdadalmhati ngayon ang magkapatid na Yassi at Issa Pressman sa pagpanaw ng kanilang ama na si Ronald Pressman.

Binawian ng buhay sa edad na 90 ang kanilang British national na ama matapos makaranas ng mga komplikasyon sa puso at katawan dala na rin ng kanyang katandaan.

Inalala naman ni Issa ang kanyang ama bilang isang masiyahin at positibong tao. Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang mga kuha niyang video kung saan masaya pa ang kanilang ama habang nakikipag-bonding sa kanila.

"If you met my father, I bet he made you smile or laugh once if not more. He was charming, always smiling, and had a great sense of humour.

"He always saw the brighter side of things, no matter the situation. No wonder why you lived such a great and long life, you were always so positive. You were a happy ball energy Papa. Loving you, Your baby," ani Issa.

 

 

Hindi naman ikinubli nina Yassi at Issa kung gaano sila ka-close sa kanilang ama na siyang nagpalaki rin sa kanila. Matatandaang nag-guest pa sina Yassi at Ronald sa programang "Magandang Buhay" at emosyonal na pinasalamatan ni Yassi ang kanyang ama.

 

 

“I’m just going to promise that I will always take care of you, because you’re my Papito, you’re my ‘macho.’ You just promise to be strong always,” mensahe ni Yassi.

“I will. That’s to show my appreciation for your presence. I will, I will, I will," sagot ng kanilang ama.