• Home
  • Fresh Scoops
  • Kirst Viray, nilinaw na magkaibigan lang talaga sila noon ni Kiray Celis

Kirst Viray, nilinaw na magkaibigan lang talaga sila noon ni Kiray Celis

Happy si Kirst Viray na may boyfriend ngayon si Kiray Celis.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/5/2020 1:16 PM
Kirst Viray, nilinaw na magkaibigan lang talaga sila noon ni Kiray Celis


Photo credit: @kirstviray and @kiraycelis IG

Naging hot item noon sa showbiz at social media ang tungkol sa diumano’y romantic love affair ng actor-model na si Kirst Viray at aktres na si Kiray Celis pero eventually ay nag-die down din ito dahil pareho silang walang inamin about it.

Katwiran pa nga ni Kirst sa isang interview ng PUSH noon, “We’re friends talaga. Sobra lang talaga yung closeness namin. Sobrang sweet lang talaga namin.”

Hindi rin daw nia parehong sinadya ni Kiray na maging close sa isa’t isa na nagsimula nung nagkasama sila sa ilang out of town shows.

“Yung sweetness namin dati hindi talaga sinadya. As in, never namin pinagplanuhan yung mga ganun, basta nangyayari lang,” sabi pa ng binata.

Tanong namin kay Kirst, friends pa ba sila hanggang ngayon ni Kiray?

“Oo naman,” sagot agad ni Kirst. “Hindi naman nawala yung friendship namin dahil. Magkausap lang kami last December (2019),” dugtong niya.

Nasusubaybayan din daw niya ang love story ni Kiray at nakausap pa raw niya ang naging unang boyfriend ng aktres.

“Na-meet ko pa yung first boyfriend niya. Hehehe! Pero yung bago niyang boyfriend, yung recently lang hindi pa. Pero happy ako for her kasi mas maayos ‘tong bago kesa dati,” sabi ulit ni Kirst.

Nung mga panahong nali-link si Kirst kay Kiray ay meron daw siyang girlfriend kaya imposible talagang maging sila. Eh, kumusta na ba sila ng girlfriend niya?

Sagot ng binata, “Ay wala na po kami.”

Five years din daw tumagal ang kanilang relasyon ng ex-GF.

“Matagal din po kasi nga five years din yon, pero ganun po talaga ang buhay, may mga nangyayari na hindi natin kontrolado at hindi natin maiiwasan.”

Ayaw nang idetalye pa ni Kirst kung ano ang dahilan ng breakup nila ng non-showbiz girlfriend.

“Basta po. Tapos na yon, pareho naman na siguro kaming naka-move-on,” nakangiti niyang pahayag.

Si Kirst ay talent na rin ng Star Magic at sumasailalim ngayon sa acting workshop.

“Busy po ako sa acting workshop ngayon sa Star Magic. Puro workshop muna po ang gagawin ko now para mag improve at para rin mas madaming makuhang projects,” lahad pa ng binata na huling napanood sa La Luna Sangre bilang isang bampira.