• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, bibida sa pelikulang base sa librong ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’

Joshua Garcia, bibida sa pelikulang base sa librong ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’

Bida sa film adaptation ng “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” ni Bob Ong ang Kapamilya star na si Joshua Garcia.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

2/5/2020 11:09 PM
Joshua Garcia, bibida sa pelikulang base sa librong ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’


Photo credit: @black_sheepph IG

Pormal na inanunsyo ng Black Sheep na isasapelikula na ang obra ni Bob Ong na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” na pagbibidahan naman ni Joshua Garcia.

“Coming soon: we've got a first time co-production with Regal Entertainment Inc. and Director Chito S. Roño for an adaptation of Bob Ong's "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan", starring Joshua Garcia,” pag-anunsyo ng Black Sheep sa kanilang Instagram.

 

 

Inilabas noong 2010 ang libro at tungkol ito sa isang estudyante sa Maynila na si Galo. Naisipan niyang umuwi sa kanyang probinsya kung saan siya pinalaki ng kanyang lola na si Susan at sa kanyang pagbisita ay kanya ring nalaman ang sakit nito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#MamaSusanMovie

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Suddenly I love to read #MamaSusanMovie

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

 

Ito ang pinakabagong proyekto ni Joshua matapos siyang bumida sa pelikulang "Block Z" kasama ang dating kasintahang si Julia Barretto.