• Home
  • Fresh Scoops
  • Single ngayon si Ryza Cenon at gusto niyang non-showbiz ang kanyang susunod na karelasyon.

EXCLUSIVE: Ryza Cenon on ex-boyfriend Cholo Barretto: ‘To be honest, we’re not friends’

Single ngayon si Ryza Cenon at gusto niyang non-showbiz ang kanyang susunod na karelasyon.

BY
Leo Bukas
Follow me on Twitter: Leo Bukas

FRESH SCOOPS

02/05/2020 01:27 PM
EXCLUSIVE: Ryza Cenon on ex-boyfriend Cholo Barretto: ‘To be honest, we’re not friends’
Photo credit: @iamryzacenon IG

Hindi pa ulit nagkakaroon ng boyfriend si Ryza Cenon pagkatapos ng relasyon niya sa aktor na si Cholo Barretto. May mga suitors naman daw siya pero puro non-showbiz.

“Ayoko na po ng showbiz. Gusto ko nang maging secret yung love life ko,” natatawang simula ni Ryza sa PUSH.

“Gusto ko nang magkaroon ng privacy para baka sakaling magkaroon na ako ng asawa kasi ako na lang yung wala, eh, sa batch namin.


“Thirty two na ako, kailangan ko nang magkaanak. My God, wala na aka sa kalendaryo at saka ready na ako. Gusto ko nang magka-anak. Kaya nga lang, wala pa si Mr. Right. Hahaha!” giit pa ng aktres.

Privacy ang dahilan kung bakit gusto niyang non-showbiz na karelasyon?

Sagot ni Ryza, “Parang feeling ko kasi walang privacy. Tapos maraming nangingialam, so okey na rin yung kayo na lang dalawa… Pero before naman non-showbiz na ako ever since, eh. Si Cholo (Barretto) lang yung showbiz.”

Kumusta na ba sila ni Cholo? Naging magkaibigan ba sila after the breakup?

“To be honest, we’re not friends, pero okey kami but we’re not friends,” pag-amin ng aktres na bibida sa pelikulang Sa Muli ng Viva Films katambal ni Xian Lim.

“May ganun naman, eh. Ako naman pag ex hindi naman kailangang friends pa kayo. Basta maayos yung hiwalayan n’yo okey na yon,” she said.

Pero kahit daw wala na sila ni Cholo ay friends pa rin niya ang mga kaibigan ng aktor.

“Hindi naman sila damay do’n. Hindi ko naman sila nakarelasyon at hindi ko naman sila brineykan. So, hindi naman dapat damay. Nakakabatian ko pa rin sila, hindi ko nga lang sila nakakasama kasi hindi ako palalabas na tao.

“Pag nakikita ko sila nakikipagkuwentuhan naman ako. Nagha-hi naman ako sa kanila, so wala, hindi naman sila damay do’n, labas sila do’n. Kung may problema man or meron mang ano, sa amin lang dalawa yon ni Cholo,” huling pahayag ni Ryza sa PUSH.