• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto, sinagot ang isyung iligal ang pag-adopt kay Sabina

Claudine Barretto, sinagot ang isyung iligal ang pag-adopt kay Sabina

“We know actually kung sino nagkakalat no’n,” sinagot ni Claudine Barretto ang isyung iligal ang proseso niya ng pag-adopt sa anak na si Sabina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/5/2020 10:32 AM
Claudine Barretto, sinagot ang isyung iligal ang pag-adopt kay Sabina


Pinabulaanan ng aktres na si Claudine Barretto ang kumakalat na isyu na di umano ay iligal ang pag-adopt niya sa panganay na anak na si Sabina.

Sa interview ni Claudine kay ABS-CBN News correspondent MJ Felipe, sinabi niya na kilala niya kung sino ang nagkakalat ng naturang isyu.

“We know actually kung sino nagkakalat no'n. They too have an adopted child. What they don’t know is I have a close relationship with DSWD, because I was a social worker for the longest time,” pahayag ni Claudine habang nasa isang conference ng DSWD para sa Adoption Awareness Month.

“I wouldn’t be here sa DSWD kung hindi legal ang adoption process,” pagpapatuloy ni Claudine na isa sa mga ambassadress ng DSWD ‘Adopted Ako Proud Ako’ campaign at sinabing may magandang relasyon siya sa organisasyon.

Si Sabina ang panganay na adopted child ni Claudine sa dating nitong asawa na si Raymart Santiago. Sinundan si Sabina nila Santino, Quia, at ang pinakabagong adopted child ni Claudine na si Noah.

READ: Raymart Santiago with his and Claudine Barretto’s kids in Japan

Kasama ang kaniyang abogado, pinatunayan ni Claudine na legal ang pag-ampon niya sa mga anak niya.

“Number one, my client will never do anything that is against the law on adoption. Secondly, we already addressed this matter out, pumunta na kami nung December sa DSWD, and then we are already in the process of finalizing the legalities, so walang katotohanan yan. Yan ay paninirang puri lamang for whatever motivation,” pahayag ng abogado ng aktres.

READ: Did Claudine Barretto become Mayor Isko Moreno’s girlfriend?

Samantala, sa parehong interview din ay ibinalita ng Optimum Star na tuloy ang kaniyang reunion movie kasama si Piolo Pascual. Maaaring magsimula ang kanilang shoot sa Italy, sa March o April, ayon kay Claudine.