• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Your Moment’ Champion Kenyo Street Fam, ibinahagi ang inspirasyon sa naging laban

‘Your Moment’ Champion Kenyo Street Fam, ibinahagi ang inspirasyon sa naging laban

Anim na taon na ang Kenyo Street Fam at tuloy-tuloy pa rin sa pag abot sa kanilang mga pangarap.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/4/2020 1:06 PM
‘Your Moment’ Champion Kenyo Street Fam, ibinahagi ang inspirasyon sa naging laban


Emosyonal na ibinahagi ng Your Moment grand champion Kenyo Street Fam ng Bulakan ang kanilang killer moves sa harap ng mga hurado ng Kapamilya reality show.

Ayon sa isa sa mga miyembro ng Kenyo Street Fam, bitbit ang nila sa kanilang pagsasayaw ang mga pinagdaanan na hirap para sa kanilang naging laban.

“Yung piece po na ‘yun mas related po siya sa mga mahal namin sa buhay na nawala na po. Kumbaga dahil po sa pagsasayaw, nagkukulang po kami ng oras sa kanila, sa time sa mga bagay na kailangan rin po nila kami at ito po ang best way namin para makabawi kami sa kanila,” tugon ng isa sa mga miyembro ng grupo.

Kaakibat ng tagumpay ang mga sakripisyo para abutin ang kanilang pangarap. At ayon sa grupo, isa ang kakulangan sa pinansiyal na pangngailangan sa naging hamon para sa kanilang mga pangarap.

“Sa bawat indibiduwal po ang kahirapan po sa buhay. ‘Yung mga kasama po namin wala nang mga kasama, siyempre kaya rin po may Kenyo Street Fam para mapunan ang pagkukulang at para rin masamahan sila at mapunan ang mga pagkukulang sa mga buhay ng bawat isa,” sabi pa nila.

Sa kanilang tagumpay naman, handa na rin na makipagsabayan sa kanilang mga paboritong idolo ang Kenyo Street Fam.

“Bahala na po kung saan po kami dadalhin ng mga paa po namin, basta magkakasama po kami, Hindi po kami titigil.”

Plano rin nang grupo na paghatihatian ng ang nakuhang pera mula sa Your Moment at gastusin sa mas makabuluhan na mga bagay.