• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Sobrang dami kong natulungan’: Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa seryeng ‘Kadenang Ginto’

‘Sobrang dami kong natulungan’: Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa seryeng ‘Kadenang Ginto’

Malaki ang pasasalamat ni Seth Fedelin sa kaniyang kauna-unahang teleserye na ‘Kadenang Ginto.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/4/2020 11:12 AM
‘Sobrang dami kong natulungan’: Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa seryeng ‘Kadenang Ginto’


Photo credit: @imsethfedelin on Instagram

Sa naganap na finale press conference para sa Kadenang Ginto, nagpasalamat si Seth Fedelin sa produksyon para sa pagpili sa kaniyang maging kasapi ng serye.

"Para sa akin naman po ang Kadenang Ginto ang pinaka una kong teleserye.

"Malaki po ang naging tulong sa akin. Sobrang malaki po ang pinagbago sa buhay ng pamilya ko. Sobrang dami kong natulungan, kaya hindi ko makakalimutan ito," pahayag ni Seth.

Ang Kadenang Ginto ang pinaka-unang TV project ni Seth, matapos umalis sa Pinoy Big Brother noong April 2019.

READ: Pagkatapos regaluhan ng motor ang ama, Seth Fedelin, balak bigyan ng negosyo ang mga magulang

Ilang buwan matapos maging regular na karakter at katambal ni Andrea Brillantes  sa naturang serye, nakapagpundar na si Seth ng sarili niyang sasakyan, at motor para sa kaniyang ama.

WATCH: Push No Filter: Seth Fedelin, ibinahagi kung paano nakatulong ang showbiz sa kaniyang pamilya

Bukod dito, naging patok din ang kinabilangang grupo ni Seth na The Gold Squad, kung saan ay kasama niya ang mga kapwa aktor sa serye, sina Andrea, Francine Diaz, at Kyle Echarri.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Uy si crush 😎

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

 

Nasa huling linggo na ang Kadenang Ginto. Mapapanood ito araw-araw pagkatapos ng It's Showtime.