• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio: ‘Parang nato-trauma na ko sa salitang hiwalay’

Loisa Andalio: ‘Parang nato-trauma na ko sa salitang hiwalay’

Naging emosyonal si Loisa Andalio nang alalahanin ang hiwalayan ng mga magulang, at ang muntikang paghihiwalay nila ni Ronnie Alonte.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/4/2020 11:21 AM
Loisa Andalio: ‘Parang nato-trauma na ko sa salitang hiwalay’


Hindi napigilan maging emosyonal ng James and Pat and Dave actress na si Loisa Andalio nang alalahanin ang hiwalayan ng kaniyang mga magulang. Sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, February 3, ibinahagi ni Loisa na malungkot na pagbabago sa kaniyang pamilya.

"Sa totoo lang kung ano bang naging masamang desisyon sa aking pagpasok sa showbiz. Kasi kami dati ng family ko, very close kami sa isa't-isa, sabay kaming kumakain, lahat. Karaoke yung bonding ng family. And, nawala siya," pahayag ni Loisa.

Unang ibinahagi ni Loisa ang hiwalayan ng kaniyang mga magulang noong nakaraang taon.

READ: Loisa Andalio reveals her parents separated last March

Pagpapatuloy ng aktres, "Nung pumasok ako sa showbiz, nagkaroon ako ng trabaho nang sunud-sunod. Akala ko naman okay ‘to kasi nakakatulong ako sa pamilya ko e. Pero nung tumagal tagal, parang naglayo-layo na yung loob namin sa isa't-isa. Doon ko nasabi na kahit may trabaho ka, nabubuhay mo yung pamilya mo, pero kung hindi kayo kumpleto sa bahay, [mahirap].”

Sa parehong interview din, kasama ang kaniyang long-time boyfriend na si Ronnie Alonte, naiiyak ring inalala ni Loisa ang naging pagsubok nila bilang magkasintahan.

"Sa totoo lang kaya ako naiiyak kasi naalala ko na naman e. Naalala ko yung muntik na siyang sumuko. Ang sakit e, ang hirap.

"Ayoko na ng salitang hiwalay. Parang nangyari na siya sa akin sa magulang ko, ayoko na siyang mangyari sa akin. Parang nato-trauma na ko sa salitang hiwalay. Kaya kapag naririnig ko siya parang hindi ko kaya," ani Loisa.

Parehong bibida sa bagong pelikula na James Pat and Dave, sina Loisa at Ronnie. Makakasama rin nila dito si Donny Pangilinan.

Mapapanood sa mga sinehan ang James and Pat and Dave simula February 12.