• Home
  • Photos
  • TINGNAN: Beauty queens, muling sasabak sa pageant stage para sa 2020 Miss Universe PH

TINGNAN: Beauty queens, muling sasabak sa pageant stage para sa 2020 Miss Universe PH

Kabilang sa mga aspiring Miss Universe Philippines ang ilan sa mga sikat na beauty queens na sina Sandra Lemonon, Michele Gumabao, Maria Isabela Galeria, at Riana Pangindian.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

PHOTOS

02/03/2020 08:58 AM

Matapos pormal na magbukas nitong Disyembre, libo-libong aspirants mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas na ang nagtungo sa Empire Studios sa Taguig upang magpasa ng kanilang application para sa kauna-unahang Miss Universe-Philippines pageant. 

Kabilang na rito ang ilan sa mga sikat na beauty queens na sina Sandra Lemonon, na nagtapos bilang Top 15 finalist sa Binibining Pilipinas 2018; Michele Gumabao, na Top 15 finalist sa Miss Globe 2018; Maria Isabela Galeria, na Top 15 finalist sa Binibining Pilipinas 2019; at Riana Pangindian, na Top 15 finalist sa Binibining Pilipinas 2016.

Bukod sa mga nabanggit, aspiring Miss Universe Philippines din ang Mutya ng Pilipinas 2018 at Miss Bohol 2017 na si Pauline Amelinckx, Binibining Pilipinas 2016 candidate at Binibining Cebu 2017 winner na si Apriel Smith, Binibining Paranaque 2014 at Century Superbods Ageless 2018 first runner-up na si Bella Ysmael, at Binibining Cebu Heritage 2018 na si Lou Dominique Piczon.

Gaganapin ang inaabangang Miss Universe Philippines pageant sa Mayo 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.