• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Your Moment’ champion, Juan Gapang handa na nga ba sa kasikatan?

‘Your Moment’ champion, Juan Gapang handa na nga ba sa kasikatan?

Hindi inasahan ng Juan Gapang ang naging tagumpay sa kompetisyon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/3/2020 4:41 PM
‘Your Moment’ champion, Juan Gapang handa na nga ba sa kasikatan?


Markado para sa Your Moment champion na Juan Gapang ang kanilang naging performance noong Linggo ng gabi.

Ayon sa Juan Gapang, tila nasuklian ang kanilang mga pinagdaanan na hirap at sakripisyo matapos na masungkit ang titulo ng Grand Champion sa Your Moment

“Siguro ‘yung mga struggles namin, ‘yung mga pinagdaanan namin, mga hirap namin, na minsan wala talaga. Minsan nag flashback na parang Ito pala talaga ‘yung kapalit nang lahat ng mga naging hirap namin struggle, sacrifice para lang marinig kami ng tao,” ani ng bokalista ng Juan Gapang na si Kokoi Baldo.

Kuwento pa ng grupo, hindi na nila inisip na manalo dahil sa matinding kompetisyon mula sa kanilang mga kalaban.

“Sobrang nakakagulat rin kasi magaling rin ‘yung nakalaban namin. Pero, hindi namin ma explain e’ Hindi ko rin ma-explain basta masaya, sobrang saya. Kaya sobrang pasasalamat rin sa lahat,” aniya pa ng miyembro ng reggae band.

At ngayong nakilala na at nasimulan nang marinig sa telebisyon ang kanilang talento, unti-unti na rin na pinaghahandaan ng Juan Gapang ang kasikatan.

“Depende siguro, kasi ‘yung sinasabing pagsikat parang butuin yan e nawawala. Ang nagma-matter, ‘yung pakikitungo mo sa tao,” sabi pa ni Kokoi. 

Sa ngayon hindi muna iniisip ng banda kung paano hahatiin ang nakuhang 2 million pesos na premyo mula sa Your Moment”.